Tayahin Gawain 7: Tukuyin Mol Panuto: Tukuyin kung aling bansa ang ipinahiwatig o tinutukoy sa mga pahayag sa ibaba. Hanapin sa loob ng kahon ang iyong sagot at sulat ang tamang sagot sa patlang na inilaan. Afghanistan Pilipinas India Saudi Arabia Japan Vietnam 1. isinasaayos tuwing ika-20 taon ng mga tradisyunal na artisan ang dakilang dambana sa Ise o kung tawagin ay Ise Shrine _2. ang relihiyon ay nagpasidhi ng damdaming Buddhist at nagbigkis sa mga naniniwala, nagiging aktibo sila sa isyung pulitikal at panlipunan 3. pinaniniwalaang makakamtan ng mag-asawa Hindu ang kaluwalhatian sa kabilang buhay kung gagawin nila ang Sati 4. pinapayagan ang kalalakihang magkaroon ng hanggang apat na asawa at kahit ilang concubine basta mapapakain niya lahat at matatrato niya ng pantay ang kanilang mga asawang babae 5. isang 18 na taong gulang nabalong babae, si Roop Kanwar, ang nagsagawa ng Sati 6. sa usapin naman karapatan sa bata matapos ang diborsyo, mananatili ang anak na lalaki sa ina hanggang umabot siya sa pitong-taong gulang, pagkatapos ay sa ama na siya mananatili. -7. ang kakulangan ng pamahalaan na magpalaganap ng kaukulang impormasyon hinggil sa pagpaplano ng pamilya 8. magsuot ng belo na tumatakip maging sa mga mata ng mga kababaihan. 9. kapag babae ang anak, dapat maabot muna niya ang gulang na siyam bago siya mapunta sa kanyang ama 10. tinanggal din ang karapatan nilang bumuto, mag-aral, magtrabaho, at tumanggap ng benepisyong pangkalusugan