Maituturing bang tagumpay ng mga katutubo at Muslim ang kanilang ginawang pagtatanggol sa kanilang teritoryo? *
1 point
A. Oo, dahil dito natakot ang mga Espanyol sa mga katutubo at napanatili nila ang sariling kultura
B. Hindi, dahil hindi naging maunlad ang kanilang pamumuhay.
C. Hindi, dahil hanggang ngayon sa kabundukan pa rin sila naninirahan.
D. Oo dahil nanatili ang mga kuta ng mga militar na Espanyol sa Mindanao
2.Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit nagrebelde ang mga katutubo laban sa mga Espanyol maliban sa isa. *
1 point
A. Pagbawi sa nawalang kalayaan.
B. Labis-labis na paniningil ng buwis.
C. Pakikipagkaibigan ng mga Espanyol sa mga katutubo.
D. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol.
3. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagnanais na magkaroon ng pantay na karapatan sa mga Espanyol? *
1 point
A. Pagtataksil sa kapwa Pilipino
B. Pakikipagtulungan sa mga Pilipinong pari
C. Patuloy na pagbabayad ng buwis
D. Patuloy na pagtupad sa Polo Y Servicio
4.Paano ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino ang nasyonalismo o pagmamahal sa bansa? *
1 point
A. Pagsasagawa ng mga pag-aalsa o pakikipaglaban sa mga Espanyol
B. Pagsunod sa mga patakaran ng mga Espanyol.
C. Pagbabayad ng buwis sa mga Espanyol.
D. Paggalang sa mga pinunong Espanyol.
5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa konsepto ng nasyonalismo?
1 point
A. Ang pagkakakilanlan ng isang tao ay ibinabatay o ibinabahagi sa bansang pinagmulan o sinilangan.
B. Ang pagsunod sa mga maling patakaran upang mapanatili ang kapayapaan ng bansa
C. Ang paggawa ng maraming batas na kailangang sundin ng mga mamamayan.
D. Ang pagbubuwis ng sariling buhay upang makamit ang katanyagang hinahangad.
6. Kung ikaw ay nabuhay na sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, sasali ka ba sa mga pag-aalsang naganap upang maipamalas ang iyong nasyonalismo o pagmamahal sa bayan? *
1 point
A. Oo, dahil marami ang makakalaya kung magtatagumpay ang pakikipaglaban.
B. Oo, dahil ang mamamatay para sa bayan ay tanda ng pagiging bayani.
C. Hindi, dahil magdudulot ito ng matinding kalungkutan sa pamilya.
D. Hindi, dahil maipamamalas ang nasyonalismo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga Espanyol upang
Other:

7.Ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino ang nasyonalismo sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa kolonyalismong Espanyol. Maliban sa pakikipaglaban, sa paanong paraan pa maaaring maipamalas ang nasyonalismo? *
1 point
A. pagbibigay ng lahat ng yaman sa mga mahihirap
B. pagtalima sa mga aral ng simbahan
C. pagsunod sa ipinatutupad na batas
D. pananatili sa sariling bansa
8.Bilang isang mamamayan ng bansa, paano mo maipapamalas ang iyong pagmamahal sa bansa sa panahon ngayon na ang bansa ay nakararanas ng matinding pagsubok sa pakikipaglaban sa COVID-19? *
1 point
A. sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panuntunang ipinatutupad ng pamahalaan.
B. sa pamamagitan ng pagpost sa social media ng mga tulong na ibinibigay ng pamahalaan.
C. sa pamamagitan ng pagbili ng maraming facemask at alcohol upang maging ligtas.
D. sa pamamagitan ng pananatili sa loob ng bahay at paglalaro buong maghapon gamit ang celphone.
9. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang nasyonalismo sa loob ng paaralan? *
1 point
A. Pagbili sa canteen ng masustansiyang pagkain.
B. Paglalagay ng mga vandalism o guhit sa mga pader ng paaralan.
C. Paglalagay ng mga nakakatawang guhit sa mga larawan na nasa aklat
D. Pangangalaga sa mga silid-aralan at kagamitan na handog ng pamahalaan.
10.Sino ang may katungkulang magpamalas ng nasyonalismo o pagmamahal sa bansa? *
1 point
B. manggagawa sa komunidad
A. pinuno at empleyado ng pamahalaan
D. lahat ng nabanggit
C. ordinaryong mamamayan
11. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao? *
1 point
A. Malawak ang lugar na ito.
B. Hindi interesado ang mga Espanyol dito.
C. Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito.
D. Nagkaisa ang mga Muslim laban sa mga Espanyol.
12.Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng kalayaan ang mga Muslim? *
1 point
A.Masunurin ang mga ito.
B. Mayayaman ang mga ito.
C.Hindi nila inabot ang lugar na ito.
D. Hindi nila masupil ang mga ito.
13. Bakit hindi nagtagumpay ang mga rebelyon ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol? *
1 point
A.Wala silang pinuno.
B.Wala silang pagkakaisa.
C.Wala silang mga armas.
D.Wala silang sapat na dahilan.
14. Si Apolinario Dela Cruz o Hernano Puli ay ninaniis na maging paring regular.Ano ang pag-aalsa ang ganyang ginawa? *
1 point
A. Pag-aalsang Politikal
B. Pag-aalsang Relihiyon
C. Pag-aalsang Ekonomiko
D. Pag-aalsang Agraryo
15. Ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng edukasyon ng mga kabataan noong panahon ng kolonyalismo? *
1 point
A. Ginamit nila ito upang makilala sa lipunan.
B. Naging mulat sila at naghangad ng pagbabago.
C. Napabilang sila sa mga pinuno ng pamahalaan.
D. Nanatili silang tahimik sa nagaganap sa bansa.