Answer:
A. Bell Trade Act
Explanation:
Ang Bell Trade Act of 1946 o Philippine Trade Act ang aktong ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos na naglalatag ng mga kondisyon para sa mga kaugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagkakamit ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos na nangyari noong 4 Hulyo 1946. Ang parity clause ay nangangailangan ng amiyenda sa ika-13 artikulo ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 na nagrereserba lamang para sa mga Pilipino sa paggamit ng mga natural na mapagkukunan ng Pilipinas. Ang amiyenda ay matatamo lamang sa pagpapatibay ng 3/4 ng mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado at isang plebisito.