IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ang sumusunod na mga talata ay hinango sa iba't-ibang seleksyon. Suriin kung ito ay piksyon o di-piksyon. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. _____1.Ang globo ay nahahati sa iba't-ibang bahagi ng daigdig. Ang mapa ay walang mga bahagi tulad ng nakikita sa globo. Ang ordinaryong mapa ay nagpapakita ng isang bahagi lamang ng daigdig samantalang ang globo ay nagpapakita ng lahat ng bansa ng daigdig. _____2.Isang umaga tumawag ng pulong ang pinuno ng mga hayop na si Kapitan Leon. Magtatagpu-tagpo ang mga hayop-gubat, mga ibon at maging ang mga hayop sa kapatagan sa sapa na nasa may bundok. May mahalaga silang pagpupulong. _____3.Sa kahahanap ng pagkain, nahulog ang lobo (uri ng hayop na nabibilang sa angkan ng mababangis na aso) sa balong walang tubig. Nakita niya ang kambing na nakatingin sa kanya. "Ano ang ginagawa mo diyan kaibigang Lobo?" tanong ng kambing. Sagot ng lobo, "Hindi mo ba alam na nagagalit si Tigre at ako ay nagtatago dito?" Lumundag sa balon si Kambing dahil sa takot. Biglang sumampa sa likod ng kambing ang lobo at nakalabas siya sa balon. ____4. Ang pagtatanim ng punungkahoy ay makatutulong sa lumalaking suliranin sa tubig sa kalakhang Maynila. Sinabi ng DENR (Department of Environment & Natural Resources) na ito ang sagot sa matagal nang suliraning ito. ____5. Si Pangulong Ramon Magsaysay ang pangatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Bilang Pangulo, siya ay ilang ulit nang pinarangalan sa ibang bansa dahil sa mga nagawa niya sa ating bansa. Tinagurian siyang Idolo ng karaniwang Tao dahil sa kanyang katapatan at pagmamalasakit sa kapakanan ng mahihirap. Binabati kita at napagtagumpayan mo na ang natapos nating aralin. Sa susunod na aralin ay matututunan ninyo ang ibat-ibang uri ng pelikula.