1. Ano ang korido? *
A. isang uri ng tulang romansa na mayroong walong pantig ang bawat taludtod.
B. isang uri ng tula na mayroong walong pantig ang bawat taludtod.
C. isang uri ng awit na mayroong pitong pantig ang bawat taludtod.
D. isang uri ng awit na mayroong walong pantig ang bawat saknong.

2. Bakit niyakap ng mga Pilipino ang panitikang ito gayong ito ay pinaniniwalaang hindi isinulat ng isang Pilipino? *
A. Naglalaman ito ng mga pangyayaring hindi mapaniniwalaan.
B. Naglalaman ng mga kuwentong kababalaghan na hilig pag-usapan ng mga Pilipino.
C. Tumatalakay sa mga kulturang hawig sa Kulturang Pilipino tulad ng pagmamahal sa pamilya.
D. Wala sa nabanggit.

3. Alin sa sumusunod na elemento ang HINDI taglay ng korido? *
A. May sukat at tugma ang taludturan.
B. Kapupulutan ng mga pagpapahalagang Pilipino.
C. Nagpapakita ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
D. May mga pangyayari tungkol sa pakikipagsapalaran para sa pag-ibig.

4. Bilang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang malaman ang opinyon ng mga tao tungkol sa akdang Ibong Adarna? *
A. Magsasagawa ng sarbey.
B. Magsasagawa ng simposyum.
C. Magsasagawa ng pagtatanghal ng mga piling tagpo.
D. Babasahin at uunawain ang Ibong Adarna.

5. Paano binibigkas ang Korido? *
A. Patula
B. Pabulong
C. Pakanta
D. Pasigaw

6. Ano ang mayroon sa mga tauhan ng isang Korido? *
A. may effect
B. may kababalaghan
C. may kapangyarihan
D. may ibang uri

7. Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat ay *
A. Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania.
B. Korido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na anak.
C. Ibong Adarna: Isang Korido
D. Ang Ibong Adarna ang Tatlong Prinsipe

8. Ang pagbabasa ng Ibong Adarna ay …. *
A. Makabuluhan maging sa kasalukuyang panahon.
B. Hindi na napapanahon sa ating henerasyon.
C. Pag-aaksaya lamang ng oras
D. Gawaing opsyonal na lamang

9. Anong panahon lumaganap ang koridong “Ibong Adarna”? *
A. Panahon ng mga Tsino
B. Panahon ng mga Hapones
C. Panahon ng mga Espanyol
D. Panahon ng mga Amerikano

10. Anong uri ng panitikan ang nagbibigay-halaga sa diwa ng Kristiyanismo? *
A. Dula
B. Maikling Kuwento
C. Nobela
D. Tulang Romansa