Basahin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tama ang patlang kung ang pahayag ay tungkol sa isang mabuting paraan mapaunlad ang kabanalan at mali kung hindi. 1. Madalas magboluntaryo si Rona sa pamumuno ng dasal bago magsimula ang klase. 2. Palaging positibong mag-isip si Roy tungkol sa mga sitwasyon o pangyayari sa buhay niya. 3. Naniniwala si Rosa na matatamo ang tagumpay sa buhay sa pamamagitan ng pagsisikap at pagdarasal. 4. Aktibong nakikilahok si Maria sa iba't ibang panrelihiyong pagdiriwang ng kaniyang pamilya. 5. Naghahanap ng panahon si Ben upang makapangbully ang mga batang mahihirap na nakatira malapit sa kanilang lugar. 6. Pinasasalamatan ni Remy ang mabubuting bagay na ginawa ng iba sa pamamagitan ng mga salita niya ng papuri at paggany 7.Pinipigil ni Loma ang kaniyang damdamin at hindi na pinipili ang kaniyang mga salita sa pakikipag-usap. 8. Tinutulungan ni Myma ang mga nangangailangan. 9. Matapat na sinasabi ni Michelle ang nararamdaman niya tungkol sa isang isyu kahit na hindi sumasang-ayon sa kaniya ang ibang tao. 10. Nagtakda ng panahon si Rene para sa pagdasal at pagkakawanggawa. 11. Iginagalang ang pananalig ng ibang tao. 12. Tatanggi na tumulong sa ibang tao kapag nalaman mong sa ibang relihiyon siya kabilang. 13. Pinapahalagahan ang mga ritwal na ginagawa ng ibang relihiyon. 14. Kalmadong makipag-usap kahit naiinis. 15. Manalangin lang kung may matinding pangangailangan.