ano ano ang bumuo sa heograpiya​

Sagot :

Answer:

HEOGRAPIYA

Ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig.

Mga Bumubo sa Heograpiya

Anyong Lupa

Anyong tubig

Likas ng yaman

Klima at panahon

Distribusyon at interaksyon ng tao sa kapaligiran

Fauna (Animal Life) at Flora (Plant Life)

1. Anyong Lupa

Halimbawa:

bundok

burol

talampas

kapatagan

bulkan

2. Anyong Tubig

Halimbawa:

dagat

karagatan

ilog

sapa

taal

falls

3. Likas na Yaman

Ito ay tumutukoy sa mga yamang likas ng daigdig ang kalikasan likha ng Diyos.

4. Klima at Panahon

Ang klima ay ang kabubuang kalagayan ng panahon na tumatagal sa isang bansa. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera sa isang partikular na lugar sa loob ng mahabang panahon at sa kasalukuyang panahon. Ito ang pangkaraniwan at pangmatagalang kalagayan at katangian ng panahon (weather) sa isang takdang lugar o rehiyon.

Iba’t ibang Uri ng Klima at Panahon sa Daigdig

Tag-araw o Tagtuyot – ito ang pinakamainit at pinkatuyong panahon.

Tag-ulan – isang uri ng klima at panahon kung saan nakakaramdam ng taglamig.

Taglagas – panahon pagkaraan ng tag-araw at bago pa man dumating ang taglamig.

Tagsibol – isang panahon pagkalipas ng tagyelo at bago sumapit ang tag-init o tag-araw.

Kahulugan ng Klima at Panahon: brainly.ph/question/584479

5. Distribusyon at Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran

Ito ay tumutukoy sa bilang ng mga tao na naninirahan sa buong daigdig at kung paano sila nagkakaroon ng interaksyon sa kanilang paligid.

6. Flora and Fauna

Ito ay tumutukoy sa mga hayop at halamang nabubuhay sa buong daigdig.

Dalawang Sangay ng Heograpiya

- Heograpiyang Pisikal - ito ay naglalarawan at nagpapaliwanag ng distribusyon ng mga anyong lupa at anyong tubig sa buong daigdig.

- Heograpiyang Pantao - ito ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi at pangkat-etniko sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.

- Heograpo - ito ang tawag sa taong dalubhasa sa pag-aaral ng heograpiya.