V. Tukuyin kung ang salitang nakasalungguhit ay isang pang-uri o pang-abay batay sa gamit nito sa pangungusap. Isulat sa patlang ang PANG-URI O PANG-ABAY. 26. Mabilis tumakbo ang kanyang kabayo. 27. Mabango ang adobong niluluto ni nanay. 28. Si lyah ay tahimik na nag-aaral sa kanyang silid. 29. Busilak ang puso ng mag-asawang Aldo at Nena. 30. Masusing pinag-aralan ang proyekto bago ito isinakatuparon​

Sagot :

Answer:

[tex]\rm\large\bold{{Pang-abay\:at\: Pang-uri}}[/tex]

[tex]\huge\green{\overline{\quad\quad\quad\quad\quad\quad\quad\quad \ \ \ }}[/tex]

Panuto:

V. Tukuyin kung ang salitang nakasalungguhit ay isang pang-uri o pang-abay batay sa gamit nito sa pangungusap. Isulat sa patlang ang pang-uri o pang-abay.

Kasagutan:

26. Mabilis tumakbo ang kanyang kabayo.

  • [tex]{\boxed{\tt{Pang-abay}}}[/tex]

27. Mabango ang adobong niluluto ni nanay.

  • [tex]{\boxed{\tt{Pang-uri}}}[/tex]

28. Si lyah ay tahimik na nag-aaral sa kanyang silid.

  • [tex]{\boxed{\tt{Pang-abay}}}[/tex]

29. Busilak ang puso ng mag-asawang Aldo at Nena.

  • [tex]{\boxed{\tt{Pang-uri}}}[/tex]

30. Masusing pinag-aralan ang proyekto bago ito isinakatuparon.

  • [tex]{\boxed{\tt{Pang-abay}}}[/tex]

Karagdagang Impormasyon:

[tex]\mathbb{{PANG-ABAY}}[/tex]

  • Ang pang-abay o adverb sa Ingles ay ang mga salitang ginagamit na panglarawan sa pandiwa, pang-uri at sa kanyang kapwa pang-abay.

Ang pang-abay ay may walong uri ito ay ang:

  1. Pang-abay na Ingklitik
  2. Pang-abay na Pamanahon
  3. Pang-abay na Pamaraan
  4. Pang-abay na Panlunan
  5. Pang-abay na Pananggi
  6. Pang-agay na Pang-agam
  7. Pang-abay na Panggaano
  8. Pang-abay na Panang-ayon

[tex]\mathbb{{PANG-URI}}[/tex]

  • Ang pang-uri o adjectives sa Ingles ay tumutukoy sa mga salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip.

Ang pang-uri ay may tatlong kaantasan:

  1. Lantay
  2. Pahambing
  3. Pasukdol

Ano ang lantay?

  • ⚘ Ang lantay ay naglalarawan sa isang tao, bagay o hayop lamang. [tex]\tt\underline{{Halimbawa:}}[/tex] magaling, mabilis, mabagal, etc.

Ano ang pahambing?

  • ⚘ Ang pahambing ay naglalarawan sa dalawang tao, bagay, o hayop lamang na maaring pinagkukumpara o pinagpapareha. [tex]\tt\underline{{Halimbawa:}}[/tex] mas mabilis, mas mabagal, mas magaling, magsingbilis, magsinggaling etc.

Ano ang pasukdol?

  • ⚘ Ang pasukdol ay naglalarawan sa isang tao, bagay o hayop lamang na ikinukumpara sa lahat. [tex]\tt\underline{{Halimbawa}}[/tex] pinakamagaling, pinakamabilis, pinakamabagal, etc.

[tex]\tt\large\underline{{Halimbawa:}}[/tex]

[tex]\tt{{1.)\:Lantay}}[/tex]

  • Si Joshua ay magaling gumuhit.
  • Mabilis tumakbo si Dan.

[tex]\tt{{2.)\: Pahambing}}[/tex]

  • Mas magaling gumuhit si Loraine kay Joshua.
  • Mas mabilis si Fey tumakbo kay Dan.

[tex]\tt{{3.)\: Pasukdol}}[/tex]

  • Si Rein ang pinakamagaling gumuhit sa aming klase.
  • Pinakamagaling kumanta si Yeri sa aming seksiyon.

[tex]\mathbb{{TANDAAN:}}[/tex] Upang hindi malito sa pang-uri at pang-abay ang pinagkaiba nito ay ang pang-uri ay dito nakasulat lang kung anong salita ang naglalarawan sa pangngalan subalit ang pang-abay naman ay may katabing pandiwa.

====================================

[tex]\sf{{If\:you\: have\:any\: questions\:feel\:free\:to\:ask\:me.}}[/tex] [tex]\sf{{Have\:a\:nice\:and\:great\:day!}}[/tex]

[tex]\sf{{MishSelenia⚘}}[/tex]

#CarryOnLearning