Rubrik: Nilalaman = 5; Gramatika = 3; Kalinisan = 2 Performance Task 2: Panuto: Sumulat ng isang tula na tungkol sa iyong sariling ina. Gawing gabay ang rubric sa ibaba. Isulat ang tula sa loob ng kahon. (10 puntos) ISKOR 5 PAMANTAYAN -Ang tula ay patungkol sa sariling ina -Binubuo ng dalawang saknong lamang na may apat na taludtod. -Angkop at wasto ang mga ginamit na salita at bantas. 3 2​

Sagot :

Answer:

Pag-ibig ng Ina

Ang puso ni ina’y kaban ng paglingap,

May dalawang tibok na karapat-dapat,

Ang isa’y kay ama, kay amang mapalad

At ang isa nama’y sa amin nalagak.

Noong nabubuhay ang ina kong irog

Ang kanyang pagkasi’y samyo ng kampupot,

Ang lakas ng puso’y parang nag-uutos

Na ako, kaylan ma’y huwag matatakot…

Pagibig ni ina ang siyang yumari

Ng magandang bahay na kahilihili,

At nawag sa palad na katangitangi.

Timtimang umirog! Hanggang sa libinga’y

Dala ang pagkasing malinis, dalisay,

Dala ang damdaming kabanalbanalan.

Explanation: