II. A. Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga bahagi/pangyayari sa akdang ibong Adarna. Isulat mula bilang 1 hanggang bilang 10 sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
_______1. Nanaginip si Haring Fernando na pinatay si Don Juan ng dalawang lalaki kaya siya nagkasakit. _______2. Nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna at nang umuwi ay binugbog nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan at iniwan. _______3. Sinabi ng isang matanda na walang ibang gamot sa sakit ng hari kundi ang awit ng Ibong Adarna. _______4. Sina Don Pedro at Don Diego ay naging bato. _______5. Ang pag-awit ng ibong Adarna at pagsasalaysay ng katotohanan. _______6. Muling pinagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego ang bunsong kapatid na si Don Juan sa pagpapakawala ng Adarna sa hawla. _______7. Nakilala ni Don Juan si Donya Maria Blanca na kaniyang naging kabiyak. _______8. Kasunod na pagtataksil ay pinutol ng kapatid na panganay ang lubid na tinali ni Don Juan sa baywang at tuluyang nahulog sa mahiwagang balon ng Armenya. Ginamot si Don Juan ng alagang lobo ni Donya Leonora. _______9. Namuno sa kaharian ng Reyno Delos Cristales sina Don Juan at Donya Maria Blanca. _______10. Muling naglakbay si Don Juan at natagpuan ang palasyo ng Reyno Delos Cristales