pa sagot nga po

11.Paano naiiba ang mga NGO sa iba pang mga organisasyon?

A. Ang mga NGO ay pangunahing samahan para sa pagpapaunlad ng ating bansa.
B. Ang mga NGO ay binubuo ng mga boluntaryong miyembro na suportado ng pamahalaan.
C. Ang mga NGO ay pribado, hindi pangkalakal, boluntaryo, at rehistrado o pormal na inoorganisa.
D. Ang mga NGO ay semi-private at tumatanggap ng sahod ang mga boluntaryong miyembro nito.

12. Paano tayo makatutulong sa pangangalaga ng mga pampublikong estrukturang tulad ng mga kanal, estero, at irigasyon?

A. Gawing modern ang kalidad ng mga ito.
B. Huwag magtanim ng mga halaman malapit sa mga ito.
C. Huwag magtapon ng mga basurang magbabara sa mga ito.
D. Huwag magtatayo ng mga karagdagang estruktura sa mga ito.

13. Bilang mga mamimili ng mga produkto, paano natin masisigurong masusuportahan natin ang mga produktong sariling atin?

A.Piliin ang mas mura ngunit dekalidad na produkto.
B.Alamin ang pinagmulan ng bawat produktong ating bibilhin at piliin ang gawang Pilipino.
C.Laging manood ng telebisyon upang maging bihasa sa mga produktong ipinagbibili sa mga pamilihan.
D. Magbigay ng suhestiyon sa mga gumagawa ng produkto upang mapabuti pa nila ang kanilang mga produkto.

14. Bakit mahalaga ang pagbabayad ng mga buwis?

A. Pinagkakalooban ito ng pondo para sa agrikultura.
C. Ginagamit ito ng pamahalaan sa paghahatid ng mga serbisyo.
B. Nakadaragdag ito sa mga programa ng pamahalaan.
D. Pambayad ito sa mga utang ng pamahalaan sa ibang bansa

15. Paano nakatutulong ang pagtatatag ng mga asosasyon o organisasyon sa bansa?

A. Nadaragdagan ng mga ito ang kita ng mga mamamayan.
B. Marami ang mga sumisikat sa pamamagitan ng pagsali sa mga ito.
C. Natutugunan nito ang mga pangangailangan ng mga miyembro nito. D. Nasusuportahan ng mga ito ang mga proyektong nagsusulong ng kapakanan ng mga mamamayan.

16. Bakit kailangan nating ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang mga maling gawain sa lipunan?

A. Upang mapadali ang kanilang trabaho C. Upang maturuan ng leksiyon ang masasamang loob
B. Upang mapanatili ang kaayusan ng pamahalaan.
D. Upang mapigilan ang mga gawaing ito para sa kapakanan ng lahat

17. Bakit mahalagang sundin ng lahat ng mga mamamayan ang mga batas ng bansa?

A.Upang lubos na maunawaan ang mga ito.
B.Upang masiguro ang kapayapaan at seguridad ng bansa.
C.Upang matulungan ang mga pulis at sundalo sa pagsupil sa kasamaan. D.Upang maparami ang mga pagkakataong makapagtrabaho ang mga mamamayan.

18. Paano natin masisigurong ang mga pinuno ng ating bansa ay tapat sa paglilingkod?

A. Dapat piliin natin nang mabuti ang mga pinunong ating binoboto.
B. Dapat nating iboto ang mga kandidatong ating kakilala o kaibigan. C. Dapat nating iboto ang mga taong matatalino at maykaya sa buhay.
D. Dapat nating suriing mabuti ang mga sinasabi ng mga kandidato sa kanilang kampanya.

19. Bakit mahalaga ang pagtupad sa mga gawaing pansibiko?

A. Nakaiiwas tayo sa negatibong sasabihin ng ibang tao kung ginagampanan natin ang mga ito. B. Nakatutulong ito hindi lamang sa pag-unlad ng ating bansa, pati na rin sa pag-unlad ng ating mga sarili.
C. Nakasusunod tayo sa mga kinauukulan kaya dapat tuparin na lamang upang hindi na mapuna.
D. Nakasanayan na nating ginagawa ang mga ito kaya nagiging makabuluhan na ang pagtupad.

20. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?

A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
D. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban ang karapatang pantao at kabutihang panlahat. ​