Answers:
1..Pagiging watak-watak
ng Pilipinas- Dahil sa
magkakalayo at maliit na
mga lugar sa Pilipinas
madali itong nasugpo ng
mga Espanyo
2.Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa
pakikidigma- Hindi kinaya ng mga Pilipino na
makipagsabayan sa sopistikado at makabagong
armas ng mga Espanyol. Dagdag pa ang mga
sundalong Espanyol ay may sapat na kaalaman
sa pakikidigma kumpara sa mga Pilipino
3.Kawalan ng maayos na
komunikasyon- Hindi naging madali
para sa mga Pilipino ang magpadala
ng mensahe tungkol sa mga pagaalsang isasagawa mula sa isang
bayan patungo sa karatig bayan, lalo
na sa mga liblib na bundok at
kagubatan
4.Pagkakaiba ng wika at
diyalekto- Hindi naging madali sa
mga Pilipino ang manghikayat ng
dagdag na lalahok sa pag-aalsa
dahil sa hindi maayos na
komunikasyon at iba’t ibang wika
at diyalekto ang gamit ng mga
Pilipino.
5.Pagbabayad ng mga Espanyol sa mga
mersenaryong katutubo- Dala marahil ng mga
pananakot, at mga pangakong kayamanan at
prebilehiyo mula sa Espanyol, may mga Pilipinong
nakipagtulungan upang masupil ang pag-aalsa.