Panuto: Isulat ang letrang P sa patlang kung ang kayarian ng pangungusap ay payak, T kung ito ay tambalan, at H kung ito ay hugnayan. 1. Ang pangulo ay umakyat sa entablado at nagbigay ng talumpati. 2. Mamamasyal kami sa plaza pagkatapos namin magsimba. 3. Malalaki ang mga silid-tulugan at malinis ang malaking bakuran. 4. Pumasok ang mga bata nang marinig nila ang tunog ng kampanilya. 5. Ang blusa ay maganda ngunit hindi ito kasya sa akin. 6. Kung wala akong kasama, hindi ako papayagan na umalis ng bahay. 7. Nahuli sa klase si Tom dahil hinatid pa niya ang kanyang kapatid. 8. Kumakain ng almusal si Kuya Noel at nagbibihis si Ate Sonia sa kuwarto. 9. Nagpatahi ng bagong uniporme si Natalie sa kanyang tita na modista. 10. Alamin natin ang mga karapatan ng bawat batang Filipino.