Test 4 Panuto: Tukuyin kung wasto ang inilapat na pangunang lunas sa mga sumusunod na sitwasyon. Iguhit sa sagutang papel ang masayang mukha kung tama ang pahayag at malungkot na mukha naman kung mali. 1. Gamit ang sabon at tubig, hinugasan agad ni Justin ang kanyang sugat sa tuhod matapos siyang madapa. 2. Maaring gumamit ng katas ng kalamansi o lemon sa pagbibigay ng pangunang lunas sa kagat ng aso o pusa. 3. Gamit ang hintuturo at hinlalaki, pinisil ni Stell ang malambot na bahagi ng ilong ni Josh sa ibaba ng balingusan matapos dumugo ang ilong nito. 4. Pinaupo ni Gng. Cebricos ang batang natuklaw ng ahas sa pwestong ang nakagat na bahagi ay mas mababa kaysa sa puso. 5. Binuhusan ni Aling Pacing ng alkohol ang malalim at nakabukang sugat ni Sabina upang maghilom agad ito.