Ano ang natutunan mo sa kalakalang panlabas? ​

Sagot :

Answer:

(Ang Kalakalang Panlabas)

pakikipagkalakalan sa ibang bansa upang matugunan ang iba pang pangangailangan ng mga mamamayan ng bansa, na hindi matutugunan o hindi makukuha sa mga likas na yaman ng bansa

may malaking ambag sa Gross National Product (GNP) ng bansa

nagbibigay ng trabaho sa maraming Pilipino sa bansa

nagkakaroon nito dahil sa pangangailangan ng mga bansa sa mga produkto at serbisyo na hindi matustusan ng mga likas na yaman o teknolohiya na mayroon sa bansang ito

lumago dahil sa pagnanais ng isang bansang makatubo nang malaki sa pagluluwas ng maraming produkto sa ibang bansa

pabor sa ekonomiya ng isang bansa kung positibo ang balanse ng kalakalan o higit ang dami ng produktong iniluluwas kaysa dami ng produktong inaangkat

( Mga Teorya tungkol sa Kalakarang Panlabas)

(Panuntunan ng Lubos na Kapakinabangan)

binalangkas ni Adam Smith, Ama ng Klasikong Ekonomiks, noong 1762

unang teorya ng pandaigdigang kalakalan

nagsisilbing batayan sa matagumpay na pakikipagkalakalan

higit na nakikinabang sa pakikipagkalakalan ang mga bansang nakalalamang sa produksyon ng ilang produkto dahil sa kalabisan at sa mababang halaga ng paggawa nito kaysamga bansang gumugugol nang malaki sa paggawa ng mga katulad na produkto

(PANUNTUNAN NG KAINAMANG KAPAKINABANGAN)

binalangkas ni David Ricardo, Ama ng Makabagong Ekonomiks

ang susi sa matagumpay na pakikipagkalakalan ay ang kainamang halaga ng ginamit na lakas-paggawa sa produksyon ng isang kalakal

higit na nakikinabang ang isang bansa sa pakikipagkalakalan kung pipisanin nito ang kaniyang yaman sa isang kalakal na may pinakamalaki o pantay na kaukulang kapakinabangan o pinakamaliit na kaukulang kasahulan

makabubuti sa isang bansa kung gagawa ito ng isang kalakal na may mababang halaga ng paggawa sa larangang ng mga tinalikdang alternatibong produkto

(Kakayahan ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas)

= Ang Pilipinas ay may kainamang kapakinabangan sa Estados Unidos sa halaga ng paggawa ng mga produktong agrikultural kaysa mga produktong makinarya.

= Ang Estados Unidos naman ay higit na makikinabang kung pagtutuunan nito ng pansin ang paggawa ng mga produktong makinarya at iasa na lamang ang pangangailangan nito sa mga produktong agrikultural ng Pilipinas.

= May mga bansang may higit na suplay ng kapital samantalang sagana naman ang iba sa lakas-paggawa, maaapektuhan nito ang lokal na halaga ng panustos na salik.

= Sa bansang tulad ng Pilipinas, higit na mura ang lakas-paggawa kaysa Estados Unidos kung saan masidhi ang paggamit ng kapital.

= Ang Japan at Estados Unidos ay mga pangunahing bansang nakikipagkalakalan sa Pilipinas.

= Nakikipagkalakalan din ang Pilipinas sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya, Europa, Kanlurang Asya, Timog Amerika, at sa Tsina.

= Nangunguna ang produktong electronics at tela sa iniluluwas na kalakal ng Pilipinas.

= Langis naman ang pangunahing inaangkat ng Pilipinas.

[tex] \color{black} {\overbrace{\underbrace{\tt\red{\:\:\:\:\:\:\:\:Brainlistpunch\:✪\:\:\:\:\:\:\:}}}}[/tex]