1. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung
ang pangungusap ay may katotohanan at isulat ang MALI kung ang
pangungusap ay walang katotohanan.
1. Wika ni Fr. Jerry Orbos: ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligyahan ng
tao ay magkaroon ng misyon.
2. Ang bokasyon ay katulad din ng propesyon ngunit nagiging mas kawili-wili ang
paggawa para sa tao.
3. Ang misyon ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ang
resulta ng kaniyang pinag-aralan o matagal ng ginagawa at naging eksperto na
siya ditto
4. Ang bokasyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya
tungo sa kaganapan.
5. Mula sa misyon, ay mabubuo ang tinatawag na bokasyon.
6. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa
buhay kung ito ay mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang
mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao
7. Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay hindi mabago o mapalitan sapagkat
patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa
kaniyang buhay.
8. Ang pagkakaroon ng tamang direksiyon sa buhay ay isang napakahalagang
hamon patungo sa katuparan ng iyong mga pangarap mo sa buhay.
9. Sa mga kabataang katulad mon a nasa kritikal na yugto ng buhay at, hindi pa
gaanong hasa sa mga karanasan sa buhay, hindi mahalagang magkaroon ka ng
gabay lalong-lalo na kung masusuong ka sa pagpapasiya.
10. Kung hindi ka magpapasiya ngayon para sa iyong kinabukasan, gagawin ito ng iba
para sa iyo at ito'y hindi nararapat.​