limang pangungusap na may diptonggo

Sagot :

Answer:

Pangungusap Na May Diptonggo

Ang diptonggo ay salita na binubuo ng patinig, "a, e, i, o, u", at sinusundan ng isang malapatinig, "w, y".

Mga Halimbawa ng Diptonggo

  • aw - kalabaw, sabaw, ibabaw
  • iw - sisiw, bitiw, aliw
  • ay - bahay, patay, sakay
  • oy - kahoy, biloy, baboy
  • uy - kasuy

Narito ang ilang pangungusap na may diptonggo:

Maghapon nagtrabaho si tatay sa bukid kasama ang kanyang kalabaw.

Napakaganda ng biloy sa kanyang magkabilaang pisngi.

Naglagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong ang pamilya ng namatayan upang makamit ang hustisya.

Aliw na aliw ang mga matatanda sa kakulitan ng kanilang apo.

Masarap humigop ng mainit na sabaw habang umuulan.

Sabay na sabay ang galaw ng mga bata sa tugtog.

Para sa ilan pang halimbawa ng diptonggo, alamin sa link:

https://brainly.ph/question/110400

https://brainly.ph/question/25853

#BetterWithBrainly