3.paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao?

Sagot :

            Ang sistema ng pagsulat ay lagi nang kaakibat ng konserbatismo, ang pinagmulan nito ay sinasabing galing sa mga “Divine sources”.  Ang anumang pagbabago o midipikasyon ay kakambal ng mabigat napag-aatubili at maging sa ngayon ay umaani ng pagsalungat. Dahil sa konserbatismong ito, ang mga pagbabago o inobasyon sa istruktura ng pagsulat ay nangyayari dahil nanghihiram ang isang grupo ng tao sa iba. Isang halimbawa ang mga Akkadians, na ginamit ang bahaging silabik ng Sumerian logo-silabik sa kanilang wika ngunit pinanatili ang logograms (nagrerepresenta ng buong salita) at ginamit ito bilang isang uri ng shorthand. Samantala, nang ginamit ito ng Hittites mula sa Akkadians para sa kanilang wika, inalis nilaang karamihan sa mga silabik na simbolo at marami sa mga Sumerian logograms ngunit gumamit ng maraming Akkadian silabik ispeling bilang logograms.Mula sa pag-aaral ng arkeyolohiya, tinatayang ang hiroglipong mga Ehipto ang pinakamatandang uri ng pagsulat. Ang mga unang ebidensya nito ay sinasabing mula sa 3300 o3200 B.C. Ang mgataga-Mesopotamiaay tinatayang nagsisulat din ng mga panahong iyon, tinawag nilang cuneiformang sistema ng kanilang pagsulat.