Sagot :
Kultural
Ang pag - unawa at paghanga sa sining, kaugalian, paniniwala, gawaing panlipunan, edukasyon, relihiyon, at siyentipiko ay tinatawag na katangiang kultural.
Mga Saklaw ng Katangiang Kultural:
- Sining
- Kaugalian
- Paniniwala
- Gawaing Panlipunan
- Edukasyon
- Relihiyon
- Siyentipiko
Ang sining ay tumutukoy sa iba't - ibang uri ng malikhaing pagpapahayag ng damdamin sa anyong biswal, musikal, pasayaw, pasulat, at iba pa. Ang halimbawa nito ay pag awit ng kundiman, pagsasayaw ng mga katutubo, at sabayang pagbigkas.
Ang kaugalian ay kinabibilangan ng mga kostumbre, kwento, opinyon, o paniniwala na karaniwang minana mula sa mga ninuno. Ang halimbawa nito ay pagmamano sa mga nakatatanda at pagtugon ng po at opo sa kanilang mga katanungan.
Ang paniniwala ay pagpapakita ng tiwala sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari. Ang halimbawa nito ay paniniwala sa Poong Lumikha at mga himala.
Ang gawaing panlipunan ay tumutukoy sa larangan na nakatalaga sa pagsisikap na makamit ang katarungang panlipunan na may kaugnayan sa uri ng pamumuhay at pagpapaunlad ng pangkalahatang potensyal ng bawat tao, pangkat, at pamayanan sa lipunan. Ang halimbawa nito ay pagbibigay ng tulong sa mga taong nalulong sa alak at ipinagbabawal na gamot.
Ang edukasyon pag - aaral at pagtuturo ng isang kasanayan, pagbabahagi ng kaalaman, mabuting paghusga, at karunungan. Ang halimbawa nito ay pag - aaral mula elementarya hanggang kolehiyo.
Ang relihiyon ay paniniwala sa Doiyos at pagsasabuhay ng mga kaugaliang maka - Diyos. Ang halimbawa nito ay Iglesia ni Cristo, Muslim, at Ang Simbahan ni Hesukristo ng mga Banal sa Huling Araw.
Ang siyentipiko ay taong nakatalaga sa pagsasagawa ng mga gawain na may kaugnayan sa Siyensya upang makatuklas ng mga bagong kaalaman na tumutukoy sa mundong ating ginagalawan. Ang halimbawa nito ay si Sir Isaac Newton na nakapagpaliwanag ng dahilan sa kabila ng paglipad ng saranggola at pagpapatakbo ng orasan gamit ang tubig.
Para sa karagdagang kaalaman ukol sa katangiang kultural, basahin ang mga sumusunod na link:
https://brainly.ph/question/120754
https://brainly.ph/question/322974
https://brainly.ph/question/145668