Mga Kulturang nabanggit sa Tulang Kutura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan
1.
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na
kilos
2.
kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon
3.
kulturang sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan
4.
kulturang pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon
5.
kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon:
pampamilya,
pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa
na dinilig
ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay
at pinayaman
ng makukulay na karanasan
6.
kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan
7.
kulturang itinudla ng nakaraan
8.
at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon
ng kabutihan
9.
kulturang gagalang sa mga bata’t matanda
10. kulturang
rerespeto sa mga babae’t may kapasanan
11. kulturang
luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
12. kasaliw
ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
13. katali
ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal ang
ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at
karapatan