halimbawa ng konkretong pangngalan at di konkretong pangngalan.

Sagot :

Halimbawa ng Konkreto at Di-Konkretong Pangngalan

Konkreto:

  • itlog
  • libro
  • lapis
  • kalan
  • papel
  • lamesa
  • upuan
  • pinto
  • sapatos
  • medyas
  • pantalon
  • kumot
  • unan
  • tuwalya
  • pinggan
  • larawan
  • salamin
  • pandakot
  • bundok
  • bulaklak
  • blusa
  • panyo

Di-Konkreto:

  • kagandahan
  • buhay
  • tiwala
  • kasipagan
  • dedikasyon
  • katapatan
  • pag-ibig
  • talino
  • enerhiya
  • kinabukasan
  • kaginhawaan
  • katahimikan
  • paggalang
  • kalusugan
  • kadakilaan
  • galit
  • takot
  • kabutihan
  • panalangin
  • kasamaan
  • kalinisan
  • kapayapaan

Ano ang konkreto at di-konkretong pangngalan?

Ang konkreto at di-konkreto ay ang dalawang uri ng pangngalang pambalana. Ang pambalana ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng pangngalan. Ito ang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari na hindi partikular o tiyak. Nagsisimula rin ito sa maliit na titik.

  • Ang konkreto ay tumutukoy sa mga pambalana na nakikita, nahihipo o nahahawakan. Ito ay gumagamit ng pandama upang mabigyang pansin. Ito ay tinatawag din na tahas.

  • Ang di-konkreto naman ay tumutukoy sa mga ideya, saloobin o damdamin. Ito ay tinatawag din na basal.

Kahulugan ng Pantangi at Pambalana:

https://brainly.ph/question/133335

#LearnWithBrainly