Sagot :
Ang pagkakatulad ng Kasabihan,Salawikain at Sawikain ay ang mga sumusunod:
- Sila ay pare-parehas na uri ng ating panitikan.
- Pare-parehas na nag mula pa sa ating mga ninuno,na naipamana sa sa atin.
- Ang mga ito ay pare-parehas na matalinghaga.
- Sila ay pare-parehas na kapupulutan mo ng aral.
- Sila ay mga kasabihan na nakatutulong sa pang araw-araw nating buhay.
- Pare-parehas na bahagi na ng ating kasaysayan.
- Sila ay nabuo o nag mula sa sarili nating wika.
Ang kahulugan ng Kasabihan,Salawikain,Sawikain
- Kasabihan- ito ay ginagamit na pamumuna ng kilos o gawi ng ibang tao.ito ay mga aral din sa buhay na isinulat sa paraan na halos ginagamit natin na pang araw-araw na talakayan.Ito ay nagbibigay ng mabubuting aral at mga paalala sa atin.
- Salawikain- ito ay mga butil ng karunungan na hango sa karanasan ng matatanda.na karaniwang nasusulat sa paraang patula na may sukat at tugma. Nagiging batayan ito ng magandang pag-uugali ng mga Pilipino.
- Sawikain – ito ay mga kasabihang walang natatagong kahuluganm o nakakubling pakahulugan.
Mga halimbawa ng Kasabihan
- Kung ang bukambibig,siyang laman ng dibdib.
- Walang mataimtim na birhen,sa matiyagang manalangin.
- Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
- Ang masipag sa buhay,ay umaani ng tagumpay.
- Titingkad ang iyong kagandahan,kung Mabuti rin ang iyong kalooban.
- Walang lihim ang hindi nabubunyag,walang katotohanan ang hindi nahahayag.
- Ang isang batang matapat,ay pinagkakatiwalaan ng lahat.
- Ang tunay na matapang,nag-iisip muna bago lumaban.
- Ang isang anak na magalang,ay kayamanan ng isang magulang.
- Ang kayamana na galing sa kasamaan,dulot ay kapahamakan.
Mga halimbawa ng Salawikain
- Naghangad ng kagitna,isang salop ang nawala.
- Ang hindi daw lumingon sa pinanggalingan,di makararating sa paroroonan.
- Mahirap ka man o mayaman,pantay pantay din sa libingan.
- Pag maikli ang kumot,magtiis kang mamaluktot.
- Pag kahaba-haba man daw ng prusisyon,sa simbahan parin ang tuloy.
- Ang puri at ang ating dangal,mas mahalaga kesa buhay.
- Kahit saan mang gubat,ay mayroong ahas.
- Kung ano daw ang puno, ay siya ring bunga.
- Kapag may isinuksok,ay mayroong madudukot.
- Ang bayani pag nasusugatan,ay lalong nag iibayo ang tapang.
Mga halimbawa ng Sawikain
- Ang taong matiisin nakakamit ang mithiin.
- Butas ang bulsa.
- Balat kalabaw.
- Makapal ang palad
- Kutis labanos
- Di maliparang uwak.
- Bahag ang buntot
- Nagbibilang ng poste
- Bukal sa kalooban
Buksan para sa karagdagang kaalaman sa Kasabihan,Salawikain,Sawikain
https://brainly.ph/question/154780
https://brainly.ph/question/12284
https://brainly.ph/question/205549