ANO ANG KONTRIBUSYON NG PAARALAN SA LIPUNAN?

 



Sagot :

Ano nga ba ang kontribusyon ng paaralan sa lipunan?

Napakalaki ng kontribusyon ng paaralan sa lipunan, marahil  nga na siya ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng lipunan. Sapagkat sa paaralan na huhubog ang pag-uugali,talino,talento ng mga kabataan na siyang magagamit niya upang umunlad at umangat sa buhay,

Ibat ibang kontribusyon ng paaralan sa lipunan

  1. Ang paaralan ang pangalawang tahanan ng mga kabataan, dito hinuhubog ang kanilang mga iba't-ibang kakayahan,
  2. Dito nila na didiskobre ang iba pa nilang talento, Paaralan din ang gabay nila upang ang mga talento nila ay mapagyayaman pa.
  3. Mga kabataan na nagkamit ng magandang edukasyon upang magkaroon tayo ng mahuhusay na manggagawa sa lipunan.
  4. Paaralan din ang dahilan para lumago ang ating ekonomiya, mas maraming edukado, mas marami rin ang buwis na papasok sa kaban ng bayan.

Paraan para ang mga kabataan ay mahikayat na Pumasok sa Paaralan

  • Ipamulat sa mga kabataan na ang susi sa mga pangarap niya sa buhay ay ang makatapos ng pag aaral, Ang magkamit ng magandang Edukasyon ang magiging dahilan ng kanyang tagumpay upang ang lahat ng kanyang pangarap para sa kanyang pamilya at maging sa sarili niya ay matupad.
  • Ipamulat sa mga kabataan na hindi hadlang ang kahirapan upang makapag tapos ng kanilang pag aaral, Maraming paraan upang makapag tapos ng pag aaral, self supporting, magpa scholar, marami na rin ngayon ang mga eskwelahan na libre ang matrikula.
  •  Suportahan ang kabataan sa kanilang pag aaral, ibigay ang mga nais nila at mga pangangailangan, yan naman talaga ang tungkulin nating mga magulang.
  • Tulungan at gabayan  silang pumili ng mga kursong nais nila, nang sa gayon ay maramdaman nilang suportado talaga natin sila sa lahat ng laban nila sa buhay.

Tunay ngang hindi lang yaman natin kung ang ating mga anak ay makapag tatapos ng kanilang pag- aaral, siya rin ay yaman ng ating lipunan dahil sa mga katulad nilang nagkamit ng magandang edukasyon ay malaki ang naitutulong sa pag unlad ng ekonomiya. Kaya suportahan sila at laging hikayatin na pumasok sa paaralan.

Buksan para sa karagdagang kaalaman

ano ang kontribusyon ng paaralan,simbahay, pamilya at simbahan sa pamahalaan https://brainly.ph/question/31143

paaralan noon at ngayon https://brainly.ph/question/298436

ano ang isang paaralan https://brainly.ph/question/114450