Sagot :
Ang Ama salin ni: M. R. Avena
Aral:
Ang aral na makukuha sa kwentong “Ang Ama” ay ang pagsisisi ay laging nasa huli.
Aral ng “Ang Ama”: https://brainly.ph/question/1955140
Paliwanag:
Kung hindi pa namatay ang batang si Mui – Mui ay hindi maiisip ng ama na siya ay hindi naging mabuting magulang at asawa sa kanyang pamilya. Ang pagkakaroon ng bisyo ang kadalasang nagiging ugat ng mga hindi magagandang gawain kaya naman ay madalas na mainitin ang ulo ng ama at walang ganang gumanap sa kanyang tungkulin bilang padre de pamilya. Ang kanyang kabiyak at mga anak ang tumatanggap ng lahat ng kanyang yamot na dulot ng kawalan ng trabaho, pagkainip, at mga suliraning kinikimkim.
Maraming pagkakataon ang napalampas ng ama upang ipakita ang kayang pagmamahal para sa kanyang pamilya lalo na para sa batang si Mui – Mui na walang ibang hangad kundi ang mapansin ng ama at matugunan ang mga pangangailangan nito bilang isang ordinaryong bata. Nakakalungkot isipi na nakung kalian wala na ang batang si Mui – Mui ay saka lamang naging buo sa loob ng ama na ipadama ang tunay niyang saloobin para dito.
Buod:
Ang kwento ng Ang Ama ay tungkol sa ama ng anim na bata na ang karakter ay hindi kanais – nais sapagkat siya ay iresponsable at palaging lasing. Madalas ay napagbubuhatan niya ng kamay ang kaniyang asawa at maging ang kanilang mga anak ay nasasaktan nito. Hindi rin sila nakaranas ang kanyang mga anak na mabusog nang husto sa pagmamahal maging sa pagkain at mga materyal na bagay. Sa dami ng pasakit na dulot ng kanyang paglalasing idagdag pa ang kawalan niya ng trabaho ay nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng magkakapatid. Si Mui Mui sa lahat sa magkakapatid ang naapektuhan nang husto.
Bilang isang bata, sa kasalatan sa pagkain at pagkabagot ay madalas na umiiyak si Mui Mui. Bagay na labis namang ikinagagalit ng ama ng tahanan. Kaya naman nang gabing iyon nakatikim si Mui Mui ng suntok sa mukha dulot ng kanyang labis na pag – iyak. Pagkaraan ng dalawang araw ay binawian ng buhay ang batang si Mui Mui at sa labis na pagsisisi ay ipinangako ng ama sa kanyang sarili na magbabago na siya at sisikapin niyang maging mabuting ama sa kanyang mga natitira pang anak. Sa puntod ng anak ay nagawa niyang paagusin ang mga luhang tanda ng pagsisisi at panghihinayang para sa buhay na nawala.
Sa bagay na ito, mahihinuha na ang ama ay magiging mabuti matapos na kanyang tuyuin ang luha sa mukha at mapagpasiyahang baguhin ang sarili. Masasalamin na nais na ng ama na magbago ang pagtingin ng kanyang mga supling sa kanya bilang kanilang ama at nais din niyang makabawi sa anak na nawalay na sa kanyang piling. Tanging ala ala na lamang ng anak ang kanyang babaunin sa kanyang pagbangon. Batid niya na hindi na maibabalik ng kanyang paghingi ng tawad ang buhay ng anak ngunit maaari siyang magbago upang tuluyan ng mabago ang kanilang relasyon bilang pamilya. Ang mga pagkaing hindi na kailanman matitikman ni Mui – Mui ay pinaubaya na lamang sa iba pa nyang mga anak.
Buod ng “Ang Ama”: https://brainly.ph/question/577101
Mga tauhan ng “ang Ama”: https://brainly.ph/question/573796