Bakit nagkakaroon ng barayti ng wika?

Sagot :

            Ang mga salik na nakakaimpluwensya sa varyasyon ay ang mga: kalagayang sosyal at ekonomiko, etnisidad, kasarian at gulang. Ang pinakamaimpluwensya ay ang nauna.
          Dahil panlipunang pagkakaiba,tipak-tipak na rehiyon at magkakaibang estado sa buhay, nagkaroon ng barayti ng wika
Maraming varayti ang mga wika, teksto , diskurso. Ang mga varayting ito ay kinundisyon ng mga pangkat ng mga nagsasalita ayon sa rehiyon (dayalek), klase (sosyolek), at okupasyon/ hanapbuhay (rejister). Ang mga posisyon sa variety space ay nagbibigay-katuturan sa language variety na may ispesipikong anyo, at ispesipikong kumbensyon ng kahulugan at gamit. Ang pag-unawa sa teksto at diskurso, mula sa konbersasyon, mula sa liham tungo sa hayperteksto, ay nangangailangan ng modelo ng gampanin ng wika na may dekalidad ng katangian.