Sagot :
Ang simili at metapora ay dalawang uri ng tayutay na ang layunin ay magbigay diin sa isang ideya o kaisipan. Parehas ring naghahalintulad, naghahambing at nagwawangis ang simili at metapora. Ngunit ang simili ay tinatawag na di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ito ay ginagamitan rin ng pangatnig--ang ilan sa mga ito ay:
- Katulad ng
- Tila
- Magkatulad
- Magkasing-
- Kawangis ng
- Mistulang
- Tulad ng
Ilan sa mga halimbawa ng simili ay ang sumusunod:
- Katulad ng pagbuhos ng ulan ang pagtulo ng kanyang mga luha.
- Tila isang gulong ang pag-ikot ng buhay ni James.
- Hindi maitanggi na kasing tibay ng bakal ang pag-ibig nila Josephine at Andrei.
- Siya ay nag-mistulang tarsier sa laki ng kanyang mga mata.
- Gaya ng isang panaginip, hindi makapaniwala si Lucy sa nangyari.
- Ang mga tao'y nag-mistulang sardinas sa loob ng tren.
- Ang langit ay kawangis ng liwanag ng kanyang mga mata.
- Halos magkasing-puti na ang labanos at ang balat ni Berna.
- Tila naging maamong tuta si Jerico nang pagalitan ng kanyang ina.
- Napansin niya na ang kamay ni Jose ay kasing lambot ng unan.
- Gaya ng isang bundok, naging matatag at hindi siya nagpatinag sa kanyang desisyon.
- Hinanap niya ang kanyang sarili na tila isang nawawalang bata.
- Mistulang hangin ang pag-alis ng kanyang ama mula sa buhay nila.
- Nais na lamang niya na maging kasing tatag ng puno ng narra.
- Hindi niya inaasahan na iiyak siya tulad ng isang sanggol na inagawan ng laruan.
- Ang mga ulap ay kawangis ng pag-dilim ng kanyang puso.
- Si Marie ay tila isang cheetah sa bilis ng takbo.
- Humiling siya na maging katulad ng bulakbulak na pagkaganda-ganda.
- Nag-mistulang unano si Jeff nang itabi sa kanyang matangkad na kapatid.
- Gaya ng kandila, nais niyang magsilbing ilaw sa mga batang nangangailangan ng liwanag.
Maari ka pang makahanap ng halimbawa ng simili sa link na ito https://brainly.ph/question/404928
Ang pagkakaiba ng simili at metapora at ang metapora ay isa ring uri ng tayutay na hindi gumagamit ng pangatnig upang mag-hambing at mag-wangis.
Halimbawa:
- Ang kanyang mga mata ay ulap na nagbabadyang uulan.
- Isang gulong ang pag-ikot ng buhay ni James.
- Matigas na bakal ang kanilang pag-ibig.
- Siya ay nabubuhay lamang sa panaginip.
- Si Maria ay isang magandang bulaklak.
- Hulog ka ng langit.
- Ang kanyang ina ay ang ilaw ng tahanan,
- Hindi niya maamin na ang kanyang puso ay bato.
- May kamaong bakal ang boksingerong iyan.
- Basura ang lumalabas sa bibig niya.
- Si Andrea ay isang anghel.
- Si Monica ay ang nagiisang prinsesa sa bahay nila.
- Nagyeyelo ang mga kamay niya sa nerbyos.
- Isang nagniningning na bituin si James nang siya ay sumikat.
- Sabi niya ay may pusong cactus si Joseph.
- Siya daw ang plastik sa magkakaibigan.
- Isang kalabaw sa sipag si Jeff.
- Abot langit ang ngiti ni Samantha sa nalaman niyang balita.
- Nagliliyab na apoy ang damdamin ko para sa kanya.
- Si Julius ay isang mabagal na pagong.
Alamin kung ano pa ang ibang kahulugan ng simili at metapora sa link na ito https://brainly.ph/question/696270
Ano nga ba ang Tayutay?
- Ang Tayutay ay pahayag na ginagamit upang magbigay diin sa isang kaisipan, damdamin, o ideya. Mayroong iba't ibang uri ng tayutay na ginagamit sa mga teksto:
- Simili
- Metapora
- Personipikasyon
- Apostrope
- Pag-uulit
- Pagmamalabis
- Paghihimig
- Pag-uyam
- Senekdoke
- Paglilipat-wika
- Balintuna
- Pasukdol
- Pagtanggi
Kung nais mo pa ng ibang kahulugan ng tayutay, maari mong i-click ang link na ito https://brainly.ph/question/203938
Tayutay:
Ang tayutay ay mga salita o pahayag na ginagamit upang bigyang - diin ang mga kaisipan o damdamin sa pamamgitan ng mga mabisa, matalinghaga, makulay, at kaakit – akit na pananalita. Ang paraang ito ang karaniwang ginagamit ng mga manunulat upang hindi tahasang tukuyin ang mensaheng nakapaloob sa kanilang mga akda tulad na lamang ng Florante at Laura.
Kahulugan ng tayutay: https://brainly.ph/question/102049
Simili at Metapora:
Ang simili o pagtutulad ay ang tayutay na nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay.
Mga Halimbawang Kataga:
- kagaya
- katulad
- para ng
- parang
- anaki’y
- animo
- kawangis ng
- gaya ng
- tila
- kasing
- sing
- ga
Mga Halimbawang Pangungusap:
- Kagaya ni Inay, nais ko ring maging isang guro sa aking pagtanda.
- Katulad ng isang ibon, si Ana ay patalun - talon at patakbo - takbong naglaro sa plasa.
- Si Florante ay para ng masisiraan ng bait sa pag - aalala at pangungulila kay Laura.
- Parang hangin sa tulin ang takbo ni Juan upang abutan ang kanyang service.
- Ang kanyang kabaitan anaki'y anghel mula sa langit.
- Ang kakisigan ni Miguel animo modelo sa telebisyon.
- Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos.
- Gaya ng mga bituin sa langit ang mga kaibigan ko ay marami at hindi pare - pareho.
- Tila bato sa tigas ang puso ni Arman.
- Kasing taas ng gusaling ito ang condominium na tinitirhan nina Vera.
- Magsing taas ang grado nina Ana at Nina sa Sensya.
- Nadismaya nang husto si Tatay Fred ng makita ang ga - munggong mumo ng kanin sa mesa.
- Kasing puti ng liwanag ang kabutihang dumadaloy sa katauhan niya.
- Ang mga pangako niya ay tila bula sa dagat.
- Kaming magkapatid ay sadyang parang aso at pusa ngunit mahal namin ang isa't isa.
- Si Rizza ay tila makahiyang tumiklop sa gitna ng palabas.
- Ang silid na ito ay kawangis ng silid sa hotel na tinuluyan namin noong isang gabi.
- Ariin mo ang bahay namin na tulad ng sa inyo.
- Gaya ng palaging kong sinasabi, maging masaya sa lahat ng meron ka.
- Parang gusto kong kumain ng spaghetti at fried chicken kahit na hindi ko kaarawan ngayon.
Halimbawa ng simili: https://brainly.ph/question/195073
Ang metapora o pagwawangis ay uri ng tayutay na may tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Hindi na rin ito ginagamitan ng mga katagang kagaya, katulad at mga kauri.
Mga Halimbawang Pangungusap:
- Siya ay langit na hindi ko kailanman maaabot.
- Ang kanyang ngiti ay matamis na pabaon para sa aking pag - alis.
- Ang kanyang ala - ala ay mapait na larawan ng kahapon.
- Balimbing siya sa pangkat nila.
- Matigas na bakal ang kamao ni Manny Pacquiao.
- Si Venus ay obra maestra sa kagandahan.
- Ang mundo ay isang entablado.
- Ang aming tahanan ay kapirasong langit dito sa Tondo.
- Ang aking ina ang liwanag sa karimlan ng aking buhay.
- Ang aking mga kaibigan ang payaso sa malungkot kong buhay.
- Ang langit ang paraisong nais kong marating.
- Ang mga pangaral ni ama ang alingawngaw na hindi maalis sa aking pandinig.
- Ang iyong mga mata ang buhay ng iyong mukha.
- Ang kanyang ugali ang balakid na mahirap tibagin.
- Ang kanilang guro ang hukom ng kanilang ginagawa araw - araw.
- Ang kanyang mga luha ang panang sumusundot sa aking puso.
- Ang mga halakhak na iyon ang musika sa pandinig ni Arman.
- Si Adonis ang konsorteng pinapangarap ng mga kababaihan.
- Ang bahag - hari ang sining ng langit.
- Ikaw ang banta sa aking mga pangarap.
Halimbawa ng metapora: https://brainly.ph/question/245782