Sagot :
Si Plato at ang Alegorya ng Yungib
Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na isinulat ni Plato na tumatalakay sa katotohanan at edukasyon. Sumasang-ayon ako sa argumentong ito ni Plato na ang taong walang edukasyon siya ay nananatiling bilanggo sa mga maling paniniwala at ang tanging nakikita niya ay iyon lamang abot ng kanyang tanaw.
Sa sanaysay na ito ginamit ni Plato ang tao sa yungib bilang representasyon ng kabuuan ng tao. Nais niyang patunayan na ang tao ay likas na matalino ngunit kailangan na magising ang talinong ito upang maging makabuluhan.
Upang lubos na maunawaan ang Alegorya ng Yungib, basahin ang link na ito: https;//brainly.ph/question/127911.
Mga Argumentong Inilatag ni Plato:
- Ang mga taong wala sa katotohanan at edukasyon ay tila bilanggo sa loob ng kuweba.
- Ang mga imahe ay anino lamang ng katotohanan.
- Ang mga konsepto ng mga bagay ay nakapaloob na sa isip ng tao bago pa man siya isilang sa mundo.
- Mahalagang bahagi ng karunungan ay ang pangangatwiran.
Ang kawalan ng edukasyon ay pagkabilanggo sa kamangmangan at ang tanging paraan upang makawala sa bilangguang ito ay ang magpunyagi patungo sa liwanag hanggang sa siya ay tuluyan ng makalabas ng yungib at makakita ng tunay na liwanag sa labas. Sa pagkakabilanggo ng tao sa loob ng yungib, nalilimitahan ang kanyang pagkakataon na matuto at maranasan ang totoong mundo. Limitado ang katotohanan at edukasyon sa nananatili sa loob ng yungib.
Nais ko ring patotohanan ang sinabing ito ni Plato sapagkat ang imahe sa loob ng yungib ay anino lamang o maliit na bahagi lamang ng katotohanan ng nasa labas ng yungib. Ang tanging paraan upang makita ang kabuuan ay ang lumabas mula sa yungib.
Ayon pa kay Plato, sa oras na makalabas ang tao sa yungib magkakaroon na siya ng pagkakataon na timbangin ang mga bagay-bagay ayon sa kanyang ikabubuti sa pamamagitan ng pangangatwiran. Sa ganitong paraan mabibigyan siya ng pagkakataon na gamitin ang sariling pagtataya bilang patunay ng kanyang pagkatuto. Liliwanag sa kaniya ang katotohanan at edukasyon ang haharap sa kaniya.
Sa bahaging ito ng sanaysay ni Plato ay hindi ako sumasang-ayon:
- Naniniwala ako na ang tao ay sadyangwalang alam ng isinilang sa mundo at ang sinasabi ni Plato na konsepto ng mga bagay ay hindi totoong nasa isip na natin bago pa man tayo isilang.
- Ang pagkamulat ay nagsisimula lamang sa oras na tayo ay matutong magsalita at kumilala ng mga bagay at tao sa paligid natin.
- Mas nagging konkreto lamang ang mga konsepto ng mga bagay ng tayo ay nagsimula ng mag – aral ng pormal sa paaralan.
Tunay na ang pangangatwiran ay malaking bahagi ng pag abot sa karunungan. Kapag ang tao ay nagging makatwiran sa lahat ng bagay unti – unting nababago ang kanyang pananaw hanggang sa ito ay magkaroon ng kabuluhan.
Ang pagtitimbang ng mga bagay na natagpuan ng tao sa labas ng yungib ay isang halimbawa ng pag abot sa karunungan. Sabi nga ni Plato may mga pagkakataong magkakaroon ng karangalan ang tao ngunit kalakip nito ay inaasahan na siya ay mananatili sa kabutihang asal upang lubos na maging marunong.
Upang lubos na makilala si Plato, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/152784.
Upang lubos na maunawaan ang mga pananaw ni Plato, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/144430.