Ano ang tatlong GAMIT NG PANDIWA?

Sagot :

Answer:

PANDIWA

Ito ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa mga salitang nagpapahayag ng isang kilos, galaw, aksyion, karanasan at pangyayari.  

TATLONG GAMIT NG PANDIWA

Ang tatlong gamit ng pandiwa ay Aksiyon, Karanasan at Pangyayari.

1. AKSIYON  

  • May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon o kilos.  
  • Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, mag-, ma-, mang- , maki-, mag-an.  
  • Maaaring tao o bagay ang aktor o tagaganap ng kilos

Mga Halimbawa na ginamit sa Pangungusap:  

  • Naglakbay si Marie patungo sa tahanan ng mga diyos.  
  • Tumalima si Piolo sa lahat ng gusto ni Vien.  
  • Inutusan ni Kris na ibenta ang mga gulay.
  • Itinapon ni Ana ang regalo ni Joshua.  
  • Nagluto si Ina ng masarap na aroscaldo.  
  • Si Noel ang naatasang magbenta ng prutas.  
  • Nagtakbuhan sina Ly at Su ng tumahol ang aso.  

2. KARANASAN  

  • Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin o emosyon. Dahil dito, may nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa.
  • Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin/emosyon.
  • Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.

Mga Halimbawa na ginamit sa Pangungusap:  

  • Tumawa si Ben sa paliwanag ni Belen.  
  • Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.  
  • Nasaktan si Maris ng siya ay lumisan.  
  • Labis na natutuwa si Ivy sa markang kaniyang nakuha.  
  • Abot langit ang lungkot na kaniyang nadarama dahil sa pagkawala ng kanyang kaibigan.
  • Kaluwalhatian ang dulot ng pagiging tapat ni Rosal.  
  • Nagsaya ang magkakaibigang Rose sa kanilang prom.

3. PANGYAYARI

    Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.  

Mga Halimbawa na ginamit sa Pangungusap:  

  • Sumasaya ang puso ni Sean sa napangasawa ng kaniyang anak.  
  • Nalunod ang mga tao sa matinding baha dulot ng bagyo.  
  • Nasamid ni Vanessa ang mesa sa pangingiliti ni Justin.  
  • Nagliparan ang mga kaldero ng mag-away sina mama at papa.  
  • Nasagasaan ang lalaking mali-mali kung tumawid.  
  • Buong araw siyang naglaro si Joshua kaya bumagsak sa pagsusulit.  

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:

Iba’t Ibang Gamit ng Pandiwa: brainly.ph/question/573629

#BetterWithBrainly