Sagot :
BINTANA
Ang bintana ay tumutukoy sa isang bahagi ng bahay, gusali o silid kung saan may isang parte na bukas, at nasissinagan ng liwanag sa labas. Dito maaaring ikaw ay sumilip o dumungaw sa mga bagay, tao, tanawin sa labas. Ang bintana ay karaniwang may harang o panakip para sa alikabok, ulan at upang maihiwalay ang iyong sarili sa labas o para maging pribado ang mga taong nakatira sa gusali. Iba pang tawag sa bintana ay durungawan.
Ang mga bintana ay madalas katabi ng pintuan ng gusali at ang tuktok din ng isang bintana ay kapantay ng din ng tuktok ng pinto, karaniwan ang silbi ng bintana ay panatilihin ang daloy ng hangin sa loob ng gusali at maging daluyan ng liwanag ng araw.
Halimbawa ng paggamit ng salitang ito:
1.) Ang mga bintana ay tinatawag din na ventilation.
2.) Si Juan ay masayang inaalala ang nangyari sa kanyang kaarawan habang nakasilip sa bintana.
3.) Ang mga bintana noong unang panahon ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng paghaharana.
4.) Isang magandang tanawin ang madalas bumubungad kay Ana pagkagising niya tuwing siya ay sisilip sa bintana.
5.) Nakatutulong ang paglalagay ng mga bintana upang magkaroon ng natural na pinanggalingan ng liwanan tuwing araw.
#AnswerforTrees
#BrainlyLearnAtHome