ano ang kahulugan ng lahi

Sagot :

Paano nga ba nakikilala ang mga ibat-ibang lahi?

               Ang mga taong nakatira sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ay may iba’t ibang pisikal na mga katangian. Kasali rito ang kulay ng balat, ang hugis ng mukha, ang klase ng buhok, at iba pa. Ang pisikal na mga pagkakaibang iyon ay nagsasabi ng pagkakaiba ng isang lahi sa isa.

              Sinasabing noong una dalawang lahi lamang ang kilala sa mundo ang mga puti at itim. Ang mga pagkakakilanlang ito ay hindi gaanong tumutukoy sa pisikal na mga katangian kundi sa heograpikal, pambansa, o kultural na mga pagkakaiba. Kaya sa karamihan ng mga tao, ang lahi ay tinitiyak hindi lamang ng pisikal na mga katangian kundi rin naman ng mga kaugalian, wika, kultura, relihiyon, at nasyonalidad. Ang lahi ay nauuri sa pamamagitan ng dugong dumadaloy sa mga tao. Ngunit malaki parin ang impluwensya ng ibat-ibang salik na may kinalaman asa pag-uuri ng mg ibat-ibang lahi. Lalo nang magkaroon ng mga kolonisasyon o pananakop ng mga ibat-ibang bansa. Halimbawa ang pagsasama ng lahing puti sa itim, kayumangi sa dilaw pati na ang pula na kung saan ang magiging resulta nito ay pinagsamang lahi . Hindi importante kung ano man lahi mayroon ka ang mahalaga tanggap mo kung ano at ipagmamalaki kung sino ka.

Para karagdagang impormasyon sumangguni sa link:

https://brainly.ph/question/161667

https://brainly.ph/question/166748

#LetsStudy