Sagot :
Bawat tao ay may pananaw tungkol sa iba't ibang bagay at isyu. Dahil dito, ang Wikang Filipino ay may iba't ibang ekspresyong nagpapahayag ng pananaw. Ang ilan sa mga halimbawa ng ekspresyon nagpapahayag na pananaw ay ang mga sumusunod:
- sa tingin ko...
- sa aking pananaw...
- para sa akin...
- ang paniniwala ko ay...
- sa palagay ko ay...
I. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pananaw?
- Ang pananaw ay ang opinyon o paningin ng isang tao tungkol sa isang bagay o paksa.
- Ito ay tumutukoy sa personal na pagkakaunawa o perspektibo ng isang tao.
- Sa pagbuo ng pananaw, nasusuri ng isang tao ang kanyang paningin at ang kanyang masasabi tungkol sa isang bagay o isyu.
II. Ano ang mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw?
Ang mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw ay ang mga ekspresyon o linyang madalas gamitin kapag nagbibigay ng pananaw ang isang tao tungkol sa isang isyu o bagay.
III. Ano ang mga halimbawa ng ekspresyong nagpapahayag ng pananaw?
Narito ang ilan sa mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw at halimbawa ng sariling pananaw:
- sa tingin ko... - Halimbawang pangungusap: Sa tingin ko, magagalit ang guro natin pag nakita niya tayong nasa labas ng silid-aralan.
- sa aking pananaw... - Halimbawang pangungusap: Sa aking pananaw, hindi karapat-dapat ang ginawang panlalamang ni Joshua kay Gerry.
- para sa akin... - Halimbawang pangungusap: Para sa akin, mas masaya pa ring pumunta sa Singapore kaysa Hongkong.
- ang paniniwala ko ay... - Halimbawang pangungusap: Ang paniniwala ko ay si Hesus, Ama at Espiritu Santo ang pinakamakapangyarihan sa lahat.
- sa palagay ko ay... - Halimbawang pangungusap: Sa palagay ko ay mas mabuting umuwi na tayo para hindi tayo gabihin sa labas.
Iyan ang mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw at mga gamit nito sa pangungusap. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.
- Ano ang pananaw? https://brainly.ph/question/160647
- Mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw: https://brainly.ph/question/147920 at https://brainly.ph/question/272456