"
Si Sitti Nurhaliza"
Siya ay kilala bilang isa sa pinakamahusay na
mang-aawit sa Asya na namula sa bansang Malaysia. Kabilang sa mga parangal na
tinanggap niya sa loob at labas ng bansa ay ang titulong “Voice of Asia”
na ginanap sa Almaty, Kazakhstan. Sa murang edad na labing-anim na taong gulang
ay nagsimula siyang pumasok sa larangan ng pag- awit at dahil sa likas na
talento sa pag-awit, narating niya ang rurok ng tagumpay bilang
multiple-platinum selling artists sa Malaysia. Sinundan ito ng mga di-mabilang
na pagkilala mula sa mga prestihiyosong gawad-parangal tulad ng MTV Asia,
Channel V, Anugerah Juara Lagu Malaysia.
Sa kabilang banda, si Sitti ay hindi lang
mang-aawit dahil isa rin siyang manunulat ng awit, record producer,
presenter o modelo at mangangalakal. Mayroon din siyang sariling
production company, ang Sitti Nurhaliza Production at itinuturing na
isa sa pinakamaimpluwensyang tao at pinakamayamang artista sa Malaysia.. Sa
kabila kasikatan at kayamanan ay hindi nakalimutang tumulong sa mga
nangangailangan. Nakikibahagi at nakikiisa siya sa maraming
gawaing-kawanggawa sa loob at labas ng Malaysia. Ito ay isa sa maganda niyang
katangian.
Si Sitti ang pinakamalaking patunay na pwedeng
pagsabayin ang yaman at ang talento.