halimbawa ng talaarawan

Sagot :

Halimbawang Talaarawan

Setyembre 12, 2020

Isang magandang araw na naman ang natapos. Dahil Sabado ngayon at walang pasok ay tanghali ako nagising kanina. Kumpleto kami ngayon kaya naman nagluto din si nanay ng masarap na ulam. Matapos namin kumain ng luto ni nanay ay nanood kami ng nakakatawang pelikula.

Setyembre 13, 2020

Maaga akong gumising kanina kahit walang pasok. Ang dahilan ng maaga kong paggising ay sumama ako sa pagsimba kay nanay. Matagal nadin kaming hindi nakasimba dahil nga sa lockdown. Masaya ako na nakasimba ako ulit kanina. Kaunti nga lang ang tao sa simbahan kumpara sa dating nakasanayan. Matapos magsimba ay kumain nadin kami ni nanay sa labas.

Setyembre 14, 2020

Nakakasanayan ko na ang online learning. Madali ko ng nagawa at nasagutan ang mga gawain namin kanina. Naghanda din ng isang laro ang aming guro kaya naman naging masaya parin ang aming klase kahit online lamang ito.

Setyembre 15, 2020

Araw ng kasal ng pinsan ko ngayon. Matapos ang klase ay agad akong naghanda para sumama kina nanay. Pumunta kami sa kasalan. Masaya ito dahil nakita ko ang ilan ko pang pinsan. Nagkwentuhan kami at nagtawanan.

Explanation:

Talaarawan

Ang talaarawan ay isang pang araw-araw na tala. Ito ay naglalaman ng personal na karanasan, pangyayari, saloobin, obserbasyon at pananaw. Kadalasan, ito ay patungkol sa mga nagawa ng tao sa araw araw.

Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa talaarawan, basahin sa link:

https://brainly.ph/question/1810243

#BetterWithBrainly