Sagot :
Nagliliyab
Matinding pag-aapoy
Mga kasingkahulugan:
- Nagniningas
- Nag-aalab
- Naglalagablab
- Nakasisilaw
- Maalab
Halimbawa sa pangungusap:
- Itinapon niya ang kanyang larawan upang sunugin sa nagliliyab na apoy.
- Sumabog ang tangke ng gas, kung kaya't nagliliyab sa apoy ang buong bahay.
Nagliliyab sa galit si Anna ng malaman niyang nagtataksil ang kanyang asawa.
Mahirap
Kulang ng sapat na pera upang mabuhay sa isang pamantayan na itinuturing komportable o normal sa isang lipunan.
Mga kasingkahulugan:
- Dukha
- Maralita
- Pobre
- Salad
- Kapos
Halimbawa sa pangungusap:
- Ang salat sa pera at pagkain ay isang mahirap at karaniwang suliranin ng mga tao.
- Dalawang beses lang si Fe nakakain sa isang araw dahil kapos sa pera.
- Gustuhin man bumili ng masarap na pagkain ni Jean ngunit dahil sa kahirapan ay di niya kayang bumili nito.
Mahirati
Gawain ng isang tao o isang bagay na tanggapin ang isang bagay bilang normal o karaniwan.
Mga kasingkahulugan:
- Magsanay
- Malawi
- Bihasanin
Halimbawa sa pangungusap:
- Palagi niyang suot ang kanyang relo upang mahirati sa paggamit nito.
- Mahirati na akong kumain ng kanin dahil ito lang ang madaling lutuin kaysa tinapay.
- Upang mahirati ang katawan mong bumangon ng maaga, dapat maglagay ka ng relos na may alarma.
Mahumaling
Isang pakiramdam ng pagkatuwa o-akit, karaniwan sa isang mababaw o pansamantala.
Mga kasingkahulugan:
- Makagusto
- Matuwa
- Matipuhan
- Gunigunihin
- Magustuhan
- Pagka-ibig
- Kaakit-akit
Halimbawa sa pangungusap:
- Madali siyang mahumaling sa mga makikinang na mga bagay.
- Pagnakakakita ng magandang babae si June ay kaagad itong mahumaling.
- Bakit nga ba sa Jollibee madaming mahumaling na kumain kaysa mga restaurant?
Karagdagang impormasyon tungkol sa paksang ito:
Pagtambalin ang mga salitang nasa loob ng kahon na magkatulad o magkaugnay ang kahulugan. Gamitin sa sariling pangungusap. nagliliyab pagmasdan wastong pag-iisip mahirati pagmasid mahirap intelektuwal mahumaling.
- https://brainly.ph/question/167152
Pagtambalin ang mga salitang magkakatulad o magkaugnay. Nagliyab, nagmasid, pagmasdan, mahirap, wastong pagiisip, intelektuwal, mahirati, mahumaling.
- https://brainly.ph/question/148566
Anung pangungusap na nagliliyab,mahumaling ang gamit nito?
- https://brainly.ph/question/147822