bakit mahalaga ang pagmamahal sa magulang?

Sagot :

Kahalagahan ng Pagmamahal sa Magulang  

Mahalaga ang pag mamahal sa magulang sapagkat utang natin sa kanila ang ating buhay, Simula palang sa sinapupunan n gating ina ay minamahal ay inaaruga na nila tayo sa pamamagitan ng pag iingat nila ng kanilang mga ginagawa iniisip na nila ang ating kaligtasan kahit nasa tiyan palang tayo ng ating ina, at sa paglabas nga natin sa mundong ibabaw ay magkatuwang na tayong inaaruga ng ating ama at ina nagsusumikap sila upang maibigay ang ating mga pangangailangan nagsisikap sila upang mapakain tayo, upang mapag aral tayo sila rin ang mga taong laging nandiyan sa tabi natin sa lahat ng oras at pagkakataon na handing lagging gumabay at magbigay ng payo sa atin kahit na nga dumating na magkaroon narin tayo ng mga sarili nating pamilya ay nandiyan parin an gating mga magulang upang gumabay sa atin, sila rin ang mga taong ilang beses man tayong magkamali nandiyan para tumanggap at unawain tayo sa lahat n gating maling nagawa. Tunay ngang napakahalaga ng pagmamahal sa magulang, kaya sana gantihan natin kahit papaano ang mga nagawa sa atin  ng ating mga magulang iparamdam naman natin sa kanila an gating taos pusong pagmamahal.

Paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa magulang

  • Pag aasikaso sa kanila kapag may sakit sila.
  • Pag mano sa mga magulang at ang paggamit ng po at opo kung nakikipag usap tayo sa kanila.
  • Ang pag pagluluto ng kanilang pagkain.
  • Ang pagtulong sa kanila sa mga Gawain, kahit simpleng Gawain o mabigat man yan mahalaga ay tinulungan natin sila sa abot n gating makakaya.
  • Ang kusang pagbili ng kanilang mga pangangailangan kung sakaling kumikita ka nan g sariling pera.
  • Ang pagdadala sa kanila sa magagandang lugar o pasyalan upang malibang sila ay pagpapakita mo rin ng pagmamahal sa kanila.
  • Ang pagdamay sa kanila kung meron man silang mga problemang pinagdadaanan.

Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman

Simbolo ng pagmamahal sa magulang  https://brainly.ph/question/168156