Sagot :
Ano ang Eupemistikong Pahayag?
Ay mga salita o pahayag na binago pero may kaugnayan pa din sa orihinal na salita. Ginagawa ito para maging magaan o hindi gaanong makasakit sa damdamin ang pahayag.
Halimbawa:
Ang iyong ama ay patay na.
Ang iyong ama ay namayapa na.
Mga Salitang Iyong Ibinigay:
- Tsimay – ibang salita para sa katulong o kasambahay.
- Mayabang – ibang salita para sa hambong, mapagmataas, palalo, arogante, mahangin.
- Sugarol – tawag sa taong mahilig sa anumang uri ng sugal(gambling), o pagsusugal.
- Paki-alamero/Paki-elamero – tawag sa taong mahilig makilam o manghimasok sa mga bagay-bagay ng iabng tao.
- Maarte – ibang salita para sa metikuloso, o maselan.
Mga Halimbawa Para sa Iyong Salita:
- Magpalit ka nga ng iyong damit! Nagmumukha kang tsimay diyan sa iyong suot. ('nagmumukha kang katulong')
- Huwag mong ipagsabi kaninuman na anak ka ng Hari. Baka sabihin nilang mayabang ka. ('baka sabihin nila mahangin ka')
- Kaya ka nababaon sa utang, kasi sugarol ka masyado!
- Umalis ka nga dito! Masyado kang paki-alamero.
- Alam mo ba kung bakit matagal gumayak ang kapatid mo? Masyado kasing maarte sa katawan. ('masyado kasing maselan sa katawan')
Pakisuyong i-click ang mga sumusunod na links sa ibaba para sa maikling paliwang ng Eupemistikong Pahayag.
https://brainly.ph/question/155493
https://brainly.ph/question/38843
https://brainly.ph/question/722926
(Sana ay nakatulong sa iyo ang mga iniharap na impormasyon.)