Ano ang kahulugan  ng "Nagpapangilo Sa Nerbiyos"  ?


Sagot :

Kahulugan ng Nagpapangilo sa Nerbiyos

Ang pariralang nagpapangilo ng nerbiyos ay isang halimbawa ng sawikain. Ang ibig sabihin nito ay lubhang nag-aalala, kinakabahan o natatakot. Ito ang pakiramdam ng may gumugulo sa sarili. Ito ay dulot ng mga bagay, karanasan o pangyayari na gumugulo sa isipan o hindi inaasahan. Ang taong ninenerbiyos ay sinasabi din na may daga sa dibdib.

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin ang sawikaing nagpapangilo ng nerbiyos sa pangungusap upang mas maunawaan ito. Narito ang mga halimbawa:

  • Nagpapangilo sa nerbiyos ang tatlong putok ng baril na narinig namin sa labas ng bahay.

  • Bukas daw malalaman ang resulta ng pagsusulit. Nagpapangilo sa nerbiyos ang paghihintay.

  • Nagpapangilo sa nerbiyos ang pelikula na napanood namin kanina. Parang makatotohanan.

  • Nagpapangilo sa nerbiyos ang aksidente na nasaksihan namin kanina sa daan.

Kahulugan at Halimbawa ng Sawikain:

https://brainly.ph/question/2759623

#LearnWithBrainly