bakit itinuring na agham panlipunan ang ekonomiks?

Sagot :

Ang Ekonomiks ay isang Agham Panlipunan dahil isa itong sistematikong pag-aaral na sumusuri sa paglikha o paggawa, pamamahagi, at pagkonsumo ng mga produkyo, serbisyo, yaman at mga kalakal. Ang Ekonomiks bilang isang agham panlipunan ay pag-aaral kung paano gagamitin ang mga limitadong yaman para makalikha at makapagbahagi ng iba’t ibang produkto at serbisyo sa mga tao o sa lipunan.

Ang Lawak ng Ekonomiks

Bilang Agham Panlipunan, ang Ekonomiks ay hindi lamang sa lipunan pangkasalukuyan kundi para na rin sa panghinaharap. Pinag-aaralan dito kung paano ang isang nilalang magkahanap-buhay, at kung paano ito naghahanap ng makakain at iba pang mga pangangailangan. Binibigyang pansin ng agham panlipunang ekonomiks ang mga problema’t suliraning pangkabuhayan sa pamamagitan ng mga pamamaraan kung paano malulutasan, malulunasan at mababawasan ang mga ito. Masasabi ding maka-agham na pag-aaral ang ekonomiks lalo’t sa pagtukoy ng kung paano nagpapasya ang isang tao o ang isang lipunan para mabuhay.

Tingnan ang iba pang kahulugan ng ekonomiks sa link na ito: brainly.ph/question/589051

Kahulugan ng Agham Panlipunan

Masasabing Agham Panlipunan ang isang pag-aaral kung mayroon siyang mga katangiang gaya ng:

  • Ang Agham Panlipunan ay disiplinang pag-aaral o akademiko na siyang sumusuri sa mga aspeto ng mga nilalang sa buong daigdig.
  • At dahil ito ay isang sistematiko at agham, lumalayo na ang mga agham panlipunan sa humanidades at/o sining.
  • Ito ay dapat nagbibigay diin sa paggamit ng mga organisadong pamamaraan, mga sistematikong pag-susuri at mga kaparaanang pang-agham.
  • Ang mga eksperto at dalubhasa sa agham panlipunan ay nagsasaliksik at gumagawa ng mga teorya tungkol sa pinagsama at mga indibidwal na asal sa lipunan.

Maliban sa Ekonomiks, narito ang iba pang mga Sangay ng Agham Panlipunan:

1. Agham pampolitika

2. Antropolohiya

3. Edukasyon

4. Heograpiya

5. Komunikasyon

6. Kasaysayan

7. Linggwistika

8. Panuntunang panlipunan

9. Sikolohiya

10. Sosyolohiya

Halos lahat ng ito ay mga agham panlipunan na may kaugnayan sa ekonomiks. Basahin sa link na ito ang: Dalawang Mahahalagang Konsepto ng Ekonomiks: brainly.ph/question/302889

Epekto ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay

Ang Ekonomiks ay nakatutulong sa pagmamaneho o pag-budget ng allowances, kinikita, at isinasantabing pera ng mga tao. Ang mga paggastos ng isang tao ay nakalimita sa kung ano lang ang mga mahahalaga para sa kanya at kung ano lang ang gusto niyang matamasa. Dapat ay naka-iipon ang isang nilalang para sa kanyang kinabukasan at iba pang mga pangangailangan gaya ng pag-aaral, pagkuha ng trabaho o pagnenegosyo, pakikipagkapwa-tao, at marami pang iba.

Ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng isang tao ay pagsusumikap sa kanyang mga gawain hindi lamang para maging matagumpay sa sariling buhay kundi para na rin makatutulong pa sa pagpapayabong at pag-asenso ng ekonomiya ng kanyang lipunan o bansa.

Dahil sa ekonomiks ay nauunawaan ng bawat isa kung bakit may mga mahihirap na tao kaya dapat lang nagsusumikap ang mga indibidwal para mabigyan ng mas maayos na pamumuhay ang lahat ng tao at makapag-ambag sa ekonomiya. Ang pagganda ng ekonomiya ay para maging maganda ang distribusyon ng mga produkto, serbisyo at yaman sa lipunan. Konektado ang batas at buwis sa ganito kung kaya’t dapat ang lahat ng nakatatamasa ng higit pa ay nagbabayad nang tamang buwis.

Naaapektuhan ng kaalaman sa ekonomiks ang politikal na perspektibo o pananaw ng mga tao. Lalo na ang mga bumuboto kapag pumipili ng pinuno na maglilingkod sa lipunan. May kaugnayan sa kung paano naapektuhan ng agham ng ekonomiks ang iyong pang araw - araw na buhay, magpunta sa: brainly.ph/question/347921