Gawain 1 : Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagiging masipag, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok at Malt kung ito'y nagpapakita ng taliwas na gawain. 1. Si Aling Nena ay maagang bumibyahe papuntang palengke dahil alam niyang mas makakatipid siya sa pamimili sa palengke kaysa ang pumunta sa mall, 2. Araw-araw naglalakad si Mang Nestor papuntang trabaho dahil mahal ang pamasahe kung siya'y sasakay sa tricycle. Ang maiipon niya sa pasahe ay pambili niya ng bike na magagamit niya sa trabaho balang araw. 3. Hindi na kailangang utusan ni Aling Tessie ang kanyang anak na si Jane sa mga gawaing bahay dahil may pagkukusa na ito bilang panganay na anak. 4. Maraming gustong bilhin si Mario para sa kanyang sarili at mahilig siya sa mga magagarbong kagamitan kaya inuubos niya lahat ng kanyang baon sa paaralan. 5. Maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari sa buhay ng tao tulad ng nararanasan natin ngayon sa sakit na Covid19. Kaya naman hindi masyadong nahirapan si Meling sa panahon na ito dahil sa may ipon siya sa pagtatrabaho ng maayos at lagi siyang handa anuman ang sakunang kaharapin ng pamilya niya. 6. Hindi natapos ni Christian gawin ang mga ipinagagawa ng kanyang nanay dahil mas pinili niyang maglaro na lamang sa kanyang cellphone. 7. Sumuko kaagad si Carlos sa mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay kaya siya'y nagpatianod sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. 8. Isang karpintero si Mang Kanor, kapag nabigyan siya ng gawain ay sinisigurado niyang magiging maayos ang kalalabasan nito. Hindi siya