ano ang naging papel ng panitikan partikular ng ang sanaysay /talumpati sa lipunan sa paglipas ng panahon?​

Sagot :

Answer:

Maaaring makabuo ng iba't ibang pananaw sa larangan ng panitikan. Ang pagkakaiba ng ganitong paghahaka ay nakabatay sa pinag-aralan at kakayahan lalo na sa karanasan sa buhay ng tao. Kawangis nito ang bahagharing may angking sari-saring kulay. Ganyan ang buhay ng tao, iba't ibang gaan at bigat ng mga tanging karanasan. Tumutulong ang panitikan sa pag-unlad ng buong pagkatao ng isang nilalang dahil lumalawak ang kanyang kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa, sa lipunan, at sa mundong kanyang ginagalawan.