PANUTO: Suriin ang mga pahayag, isulat sa patlang ang salitang "may katotohanan" kung tama ang pahayag at walang katotohanan" kung hindi. 1. Ang mga anak ay dapat sumunod sa mga pangaral ng magulang. 2. Tungkulin ng may awtoridad ang magpatupad ng mga batas kaya dapat sumunod ng may paggalang. 3. Nararapat na bigyang paggalang ang mga nakatatanda. 4. Ang mga kabataan ay may pananagutan na sumunod at gumalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad. 5. Ang pagsunod sa mga paalala ng mga magulang ay isa sa mga halimbawa ng paggalang. 6. Ang maayos na pakikipag-usap ay pagpapakita ng paggalang. 7. Ang mga anak na may pagmamahal at pagpapahalaga sa magulang ay nagpapakita ng paggalang. 8. Dapat kilalanin ang tungkulin na ginagampanan ng mga may awtoridad. 9. Ang mga nakatatanda tulad ng ating mga lolo at lola ay dapat bigyan ng pagpapahalaga at pagmamahal. 10. Ang isang kabataan na nagsasagawa ng mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang ay magandang halimbawa sa kanyang kapwa.