Gwain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang patlang ng bawat bilang na tumutukoy sa katangian taglay ng korido at ng Ibong Adarna.
1. Binubuo ng 8 pantig sa isang taludtod at apat na taludtod sa isang saknong.
2. Ang mga tao sa akdang ito ay kabilang sa mga mahihiwagang nilalang tulad ng Diwata at Diyos.
3. Sinasabing ang akdang ito ay nagmula pa sa bansang Europa.
4. Ang panitikang ito ay minahal at inangkin ng mga Pilipino dahil sa mga paksa at aral na taglay nito.
5. Pumapaksa tungkol sa mga bayani at mandirigma at larawan ng buhay.
6. Ang tono ng akdang ito ay mabilis o allegro.
7. May taglay na kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghang hindi magagawa ng karaniwang tao ang mga tauhan.
8. Lumaganap sa Pilipinas ang akdang ito sa panahon ng mga Hapon.
9. Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng Korido.
10. Mga prinsipe at prinsesa ang mga pangunahing tauhan ng akdang ito.