Para sa bilang 21-30, basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T sa patlang kung ang pahayag ay TAMA at M naman kung ito ay MALI. 21. Maraming ari-arian at buhay ang nawawasak dahil sa digmaan. 22. Nabuo ang United Nations pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. 23. Malaking halaga ang kailangan para sa reparasyon pagkatapos ng digmaan. 24. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nabago ang mapa ng Europe. 25. Sa mga digmaan, walang panalo, walang talo, lahat ng bansang sangkot ay apektado. 26. Nawasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan dahil sa digmaan. 27. Ang layunin ng League of Nations ay mapalaganap ang kompetisyon sa pagitan ng mga bansa 28. Ang pagtatatag ng League of Nations ay isa sa mga nakalahad sa Fourteen Points. 29. Ang Estados Unidos ay hindi lumahok sa Unang Digmaang Pandaigdig. 30. Ang paglagda sa Treaty of Versailles ang naging hudyat ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig.