Answer:
PAGKAMAMAMAYAN O CITIZENSHIP Ang PAGKAMAMAMAYAN ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas. Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito dahil may mga dayuhang nakatira dito na maaaring hindi kasapi nito.
Ang pagkamamamayan ay may mga basehan o batayan at ito ay nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas. Saligang Batas – ito ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan.
Ang Mamamayang Pilipino • Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987, maituturing na mamamayang Pilipino ang sumusunod: 1.Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 2, 1987.
2.Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino.
3.Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga inang Pilipino na pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21 taong gulang.
4.Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng NATURALISASYON.
Explanation: