Sagot :
IDYOLEK, SOSYOLEK AT DAYALEK
Ang idyolek, sosyolek at dayalek ay ang tinatawag na barayti ng wika. Ang idyolek ay tumutukoy sa pansariling istilo ng isang indibidwal. Ang sosyolek ay tungkol sa mga salita na binabanggit ng isang grupo. Ang dayalek ay tumutukoy sa paraan ng pagkakabigkas ng mga tao na nakatira sa isang lugar.
Barayti ng Wika
- Idyolek
- Sosyolek
- Dayalek
Idyolek
- pansariling istilo ng pagpapahayag ng isang indibidwal. Ito ay masasabing yunik sa kanila o sumisimbolo at tatak ng kanilang pagkatao.
Halimbawa:
- “Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza
- “I shall return” ni Douglas MacArthur
- “Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
Sosyolek
Ito ay barayti ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Kabilang dito ang wikang ginagamit ng mga bakla na syang kumakatawan sa kanilang kaayuan sa lipunan gayun na din ang mga salitang kalye na madalas ginagamit ng mga kalalakihan
Halimbawa:
- "Sinetch itey na type daw ate gurl?" (Sino ito na may gusto daw kay ate girl?)
- "So init naman in here!" (Sobrang init naman dito!)
- "May amats na ko tol!" (May tama na ako pare!)
Para sa kahulugan ng sosyolek: brainly.ph/question/751932
Dayalek
Ito ay barayti ng wika na nabubuo dahil sa heograpiya ng isang lugar. kakaiba ang nagiging bigkas sa isang pangkaraniwang salita para sa mga katagalugan kumpara sa salita ng mga taga ibang lalawigan.
Halimbawa:
- Tagalog = Bakit?
- Batangas = Bakit ga?
- Bataan = Baki ah?
Para mas maunawaan ang kahulugan ng mga barayti ng wika: https://brainly.ph/question/566338
https://brainly.ph/question/637451