Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa bawat bulang. Isulat
ang "Tama" kung wasto ang pahayag, "Mali” naman kung hindi. Gawin ito sa iyong papel.
1. Ang simbolo ng decrescendo ay.
2. Forte ang tawag sa antas ng boses ng nanay na nagpapatulog sa kaniyang sanggol.
3. Higit na mas mahina ang pianissimo kaysa sa piano.
4. Dapat nating lakasan nang dahan-dahan ang ating boses o pagtugtog kapag ang antas ng dynamics ay
crescendo.
5. Inaawit nang mahina ang isang Lullaby.
6. Ang galaw ng isang uod ay maaaring ihambing sa tempo ng vivace.
7. Ang kilos ng pagong ay maaaring ihambing sa andante.
8. Tanging mga salitang Italyano lamang ang maaaring gamitin upang ilarawan ang bilis ng isang awitin.
9. Walang kaugnayan ang bilis ng awitin sa damdaming ipinahayag nito.
10. Angkop ang tempo na allegro sa mga awiting pampatulog ng bata.​