ano po Ang lagom o buod ng sanaysay na NAKATAGONG PARAISO? ​

Sagot :

Answer:

Sa isang liblib na pook sa Alaminos, Laguna, may isang kahangahangang lambak na waring pinagpala ng kalikasan. Napakaganda ng pook na itong sagana sa mga pako, palmera at iba pang mga halaman na namumulaklak. Dito rin matatagpuan ang malahiganteng mga puno ng amlang, na nagsisilbing kanlungan ng mga panggabing hayop at ibon. Nagsisikip ang lambak sa iba’t ibang punongkahoy tulad ng lansones, niyog, cacao at marami pang mga punong namumunga. Ito ang dahilan kung bakit napakalamig ng klima rito.

Sa may kalagitnaan ng lambak, malayang umaagos ang isang malinaw na batis na dinadaluyan ng isang likas na talon. Nayuyungyungan ito ng malagong puno at mga halamang-ligaw. Kaysarap magtampisaw at maligo sa malamig na tubig ng batis. Nakalilibang magpalipat-lipat sa malalaking batong nakakalat sa gitna at gilid nito.

Anuman ang tunay na kasaysayan nito, ‘di ito gaanong mahalaga, kung di ang makulay na larawan ng “Natatagong Paraiso” na kung tawagin ngayon ay “Hidden Valley