Minsan dumarating sa buhay ng tao
Na siya ay naguguluhan at nalilito
Hindi alam kung saan tatakbo
Upang takas an ang magulong mundo
Kung minsan din siya ay naiipit
Sa desisyon na kanyang naiisip
Ngunit dapat nga bang ito ay ipilit
Kung di maganda magiging kapalit
Kung sinusubok man kanyang katatagan
Manalig at sumampalataya lamang
Hindi ang dinidikta ng puso ang siyang batayan
Upang problema'y kanyang matakasan
Bago gawin, sanlibong beses isipin
And desisyon na nais niyang tahakin
Baka sa huli ay pagsisihan niya din
Desisyong nagawa, di na pwedeng bawiin
Kaya nga hanggang may oras pa
Mag-isip ng mabuti at tama
Humugot sa dasal ng lakas at pag-asa
Upang sa huli ay hindi mapariwara
Tanong:
1. Anong linya ang tumagos sa iyong puso? Ipaliwanag.
2. Ano ang ipinapahiwatig ng linyang ito "Ngunit dapat nga bang ito ay ipilit
Kung di maganda magiging kapalit"?
3. Ano ang mensahe ng tula sa mga mambabasa?​


Minsan Dumarating Sa Buhay Ng TaoNa Siya Ay Naguguluhan At NalilitoHindi Alam Kung Saan TatakboUpang Takas An Ang Magulong MundoKung Minsan Din Siya Ay NaiipitS class=

Sagot :

Answer:

1) bago gawin,sanlibong beses isipin

Ang desisyon na nais niyang tahakin

baka sa huli ay pagsisihan niya din

* ito ang tumagos sa aking puso sapagkat dito talaga natin maintindihan na lahat ng maling desisyon na ating nagagawa ay may Hindi magamdang kapalit kung kayat dapat natin pagpasyahan ng mabuti ang lahat ng bagay

2) ang ibig sabihin nito ay dapat pa ba nating gawin Ang isang bagay kung alam naman nating hindi magiging mabuti ang kalalabasan nito

3) Ang mensahe ng tula ay kailangan nating pagpasyahan ng mabuti Ang lahat ng bagay. Huwag tayong magpadalos dalos sapagkat pwede itong magdulot ng hindi mabuti para sa ating sarili at sa ibang tao. Upang Hindi rin magsisi sa huli ay gumawa ng mabuting pagpapasya sa buhay. Huwag ka ring gagawa ng bagay na maaring magdulot ng hindi mabuti. Lage mong iisipin kung ano ang maaaring kalalabasan ng iyong mga desisyon

*Sana nakatulong