ang talatang nasa ibaba at sagutan ang mga katanungan Biyaya sa kabila ng Sakura Ni: Arlene D. Danghil Napanood ni Rosy an telebisyon ang tungkol sa pamilyang Serrano na namahagi ng tulong sa mga kababayan nilang labis na nasalanta ng nakaraang bagyo. Laking pasasalamat ng mga kapitbahay at iba pang kababaryo ng pamilyang Serrano dahil sa pagbibigay tulong ng mga ito sa kanila. Namigay ang pamilya ng bigas, de-latang mga pagkain at mga noodles. Mayroon ding mga panlinis sa katawan gaya ng sabon, shampoo, toothpaste, toothbrush at mga face towels. Ang mga anak naman ng mag- asawang Serrano ay inipon ang kanilang mga laruang hindi na ginagamit upang ipamigay sa mga maliliit na bata. Pinagsama-sama rin ng buong pamilya ang kanilang mga pinaglumaang damit subalit malilinis at magaganda pa upang ipamigay rin sa kanilang mga kapitbahay. Ayon sa panayam ky G. Carlos Serrano, napag-isipan nilang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan upang magpasalamat sa mga biyayang kanilang natanggap sa kabila ng hindi inaasahang pangyayaring nagdulot ng kahirapan sa bawat pamilyang Pilipino. Para naman ky Gng. Vilma Serrano, sa panahon ngayon ay higit na kailangang magtulungan upang malampasan ng ang mga pagsubok na dumating. Walang malaki o maliit na bagay sa pagtulong sa kapuwa, ayon pa sa kaniya, ang mahalaga ay ang taos pusong pagbibigay upang maipakita ang pagmamahal at pagkalinga. Hinikayat ng buong pamilya ang lahat magpakita ng malasakit sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa kahit na bawat isa na anong paraan. Sa pagtatapos ng napanood ay naisipan ni Rosy na sabihin sa mga magulang ang tungkol sa kaniyang napanood pagdating ng mga ito. Nais rin niyang magbahagi ng tulong sa mga nangangailangan. 1. Sino ang batang nakapanood tungkol sa pagbibigay tulong ng pamilyang Serrano? Rosy 2. Tungkol saan ang napanood ni Rosy? 3. Kailan namahagi ng tulong ang pamilyang Serrano?