Piliin ang D kung ang nakalahad sa bilang ay denotasyon, K kung ang pagpapakahulugan ay konotasyon. 1.Sadyang kay gaganda ng mga PULANG ROSAS na paboritong ibigay sa babaeng sinisinta tuwing Araw ng mga Puso.
Denotasyon Konotasyon
2. Kinalimutan siya ng langit kaya sa PATALIM siya kumapit.
Denotasyon Konotasyon
3. Nag-aalaga sila ng maraming BABOY upang maibenta sa palengke.
Denotasyon Konotasyon
4. Kahit LANGIT AT LUPA ang agwat nila, sila pa rin sa huli ang maligayang itinadhana.
Denotasyon Konotasyon
5. BATO ang kanyang puso sa lahat ng problemang naranasan sa buhay. *
Denotasyon Konotasyon
6. Masyadong mataas ang BUNDOK na inakyat naming magkakaibigan.
Denotasyon Konotasyon
7. Malaking BITUIN ang taong iyan kaya’t pinagkakaguluhan saan man pumunta. *
Denotasyon Konotasyon
8. Si Selena ay parang isang BULAKLAK na di mo pagsasawaang pagmasdan. *
Denotasyon Konotasyon
9. Lumalaki na ang mga PUNOng itinanim ko sa aming likod-bahay.
Denotasyon Konotasyon
10. Siya ang kinikilalang isa sa mga HALIGI ng ating samahan.